Senator Kiko Pangilinan: Critics of JJ Law are barking up the wrong tree

September 13, 2011

Press Statement
September 13, 2011

Senator Francis “Kiko” Pangilinan today says that those frustrated by the proliferation of crimes committed by so-called ‘hamog boys’ are barking up the wrong tree in blaming RA 9344, or Juvenile Justice Law.

“We don’t understand the argument that RA 9344 is to blame for all these crimes. Unang-una, hindi naman dapat pakawalan ang mga batang ito pag nahuli. Kailangan pa rin nilang managot sa kanilang ginawa. Ang RA 9344 ay isang hiwalay na justice system na isinagawa para sa mga kabataang delingkwente. Maliwanag iyan. At di rin natin maintindihan ang argumentong nahihirapan ang mga pulis makakuha ng mga impormasyon mula sa mga kabataan para matumpok ang mga sindikato sa likod ng mga krimeng ito dahil sa RA 9344. Hindi naman siguro ganun ka-inutil ang ating kapulisan na kung hindi makuha ang impormasyon sa kabataan e titigil na sa pagpursigi sa kaso.”

Pangilinan adds that while he can sympathize with the victims, there is fundamental lack in the implementation of laws in the country, and that is where the focus ought to be.

“Meron tayong mga batas na nagsasaad halimbawa na bawal pakalat-kalat ang mga aso at dapat nakatali ang mga ito para maiwasan ang rabies. Pero nakikita natin pakalat-kalat pa rin ang mga ito. Mali ba ang batas? Mali din ba ang batas na nagsasaad na bawal ang mga pedicab sa malalaking lansangan gayong nagkalat pa rin ang mga ito doon? Palagay ko ang dapat tutukan ng ating pamahalaan ay ang tamang pagpapatupad ng batas bago pa man magpanukala ng anupamang mga pagbabago gayong wala pa naman tayong basehan kung epektibo ba ito o hindi.”

 

 Image Source: UNICEF