We condole with the loved ones of those killed and wounded. We condemn the bomb attacks at a Roman Catholic Cathedral in Sulu that killed at least 19 persons and wounded dozens.
We trust that proper attention is being given to the victims and that the authorities are now on the hunt for the perpetrators of this dastardly act.
The attack comes at the heels of a successful plebiscite that affirmed the Moro people’s desire to have a new Bangsamoro region that they will govern.
Let us not be distracted and defeated by warmongers and violent elements in our midst. An immediate arrest and prosecution of the perpetrators will give justice to the victims and send a strong message that this government will not allow the rule of violence to triumph.
This incident is also a challenge for the government to show what martial law in Mindanao can do to address these attacks.
We have come such a long way in our quest to realize the peace we have long desired for Muslim Mindanao. Let’s not allow it to be derailed this time.
Nakikiramay kami sa mga mahal sa buhay ng mga nasawi at nasugatan. Kinukundena natin ang pambobomba sa isang Roman Catholic Cathdral na kumitil sa buhay ng di bababa sa 19 na katao at nag-iwan ng dose-dosenang sugatan.
Tiwala tayo na nabibigyan ngayon ng kaukulang atensyon ang mga biktima at tinutugis ng mga otoridad ang mga salarin ng kasuklam-suklam na pangyayaring ito.
Nangyari ang pag-atake matapos ang matagumpay na plebesito na nagpatibay sa pagnanais ng mga Moro na magkaroon ng bagong Bangsamoro region na kanilang pamamahalaan.
Huwag tayong magpapagambala at magpapadaig sa mga nagpapasimuno ng gulo at marahas na mga elemento sa ating paligid. Magbibigay hustisya sa mga biktima ang agarang pag-aresto at pag-usig sa mga salarin at magpapakita ng matinding mensahe na hindi papayag ang gobyerno na manaig ang karahasan.
Isa ring pagsubok sa pamahalaan itong insidente na ipakita kung ano ang magagawa ng batas militar sa Mindanao upang maaksyunan itong mga pag-atake.
Malayo na ang ating narating sa pakikipagsapalaran upang maabot ang kapayapaang matagal na nating inaasam para sa Muslim Mindanao. Huwag natin hayaang itong magambala sa pagkakataong ito.