On the offer for VP Leni to be co-chair of inter-agency on anti-illegal drugs

November 6, 2019

Statement of Sen. Francis “Kiko” Pangilinan on the offer for VP Leni to be co-chair of inter-agency on anti-illegal drugs

Salamat for the recognition that the deadly drug war has failed and that Leni Robredo is the legitimate Vice President of the Republic of the Philippines.

Kataka-taka lang ang motibo ng Malacañang sa EO na ito. Malayo sa naunang pronouncement na itatalaga si VP bilang drug czar. Bakit biglang co-chair na lang? Takot ba sila na bigyan ng tunay na kapangyarihan si VP at baka masapawan sila o may tamaan? Epektibong stratehiya laban sa naglipanang illegal drugs ba ang tunay na layunin nitong EO o epektibong stratehiya para ipitin at patahimikin ang Bise Presidente na tumututol sa araw-araw na patayan ng mahihirap habang pinapalusot ang mga ninja cops, ninja sa Customs, at mga sindikato ng droga?

The offer may be accepted if the current framework of the government anti-drug effort is publicly discarded for being based on the false assumptions that 1. drug addiction is a criminal issue rather than a health issue affecting Philippine society and that 2. drug users must be killed daily.

Drug addiction is a health problem. It is largely rooted in poverty and inequality. Gutom, kahirapan, at ang paghahari-harian ng iilan ang problema ng bayan. Hindi masosolusyunan ng pagtutok sa maliliit na drug user at pusher ang problema ng droga. At hindi masosolusyunan ng pagpatay ang problema ng gutom at kahirapan.

Yun po ang tutukan natin: Ang mga walang bahay at walang makain sa Mindanao dahil giniba ng lindol ang mga bahay at pagawaan at dahil sinira ang mga patubig, pananim, at power supply nila. Ang problema ng mga magsasakang hilong-hilo sa gutom dahil ang mura-mura ng palay sanhi ng pagbaha ng imported rice. Ang African swine flu na sumasalanta sa mga maliliit na magbababoy.

Ang dami po ng problema ng bayan. Pagtuunan natin ng oras, pera, at atensyon ang pagkalam ng sikmura ng ating kababayan.