Statement of Sen. Francis Pangilinan on attacks against student activism

Statement of Sen. Francis Pangilinan on attacks against student activism

Youth activists are heroes: Kiko

Young people have always been the catalysts of change, or in today’s language society’s disruptors.

Without young people situating themselves in society, pondering if not criticizing it, and eventually acting to change it, we would not be enjoying the freedoms we have today.

Maybe we would still be an oppressed Spanish colony if Jose Rizal, Andres Bonifacio, and other young people chose to live quiet, unexamined lives and not become activists who are conscious of the injustices around them, enlightened by their reading and travel, and inspired and inspiring to change their reality. Maybe we would still be under Japanese occupation if young people like Wenceslao Vinzons at Antonio Nieva did not fight the invaders. Maybe we would still be under a Marcos (Imelda?) dictatorship if young people like Edgar Jopson and Lean Alejandro did not join in the strikes, marches, and demonstrations that led to the peaceful EDSA People Power Revolution.

Outside the Philippines, maybe the Vietnam War would still be raging if young Americans did not oppose the massive bloodletting halfway around the world to them. Maybe communists would still rule Czechoslovakia if young people did not participate in the Velvet Revolution of 1989.

Today we are in awe of the young people of Hong Kong who continue to fight for their freedom and their future.

Young people paying attention, actively participating, and learning from the past have always changed the game, broken new ground, created the new. Because youth is boundless energy. Because youth is undying hope. Because youth is fated future.

***

Ang mga kabataan ay palaging sanhi ng pagbabago ng lipunan, o sa lenggwahe ngayon ang mga nag-sh-shookt.

Kung walang mga kabataan ang ipinagitna ang sarili sa lipunan, pinagnilayan kung di man pinuna ito, at sa kalaunan ay kumilos para baguhin ito, hindi natin matatamasa ang mga kalayaang mayroon tayo ngayon.

Siguro inaapi pa rin tayo ng Espanya kung si Jose Rizal, Andres Bonifacio, at iba pang mga kabataan noon ay pinili ang mamuhay nang tahimik at hindi maging aktibista na alam ang mga kawalang-katarungan sa kanilang paligid, naliwanagan sa kanilang pagbabasa at paglalakbay, at naging inspirado at nagbigay-inspirasyon na baguhin ang kanilang araw-araw. Siguro nasa ilalim pa rin tayo ng mga Hapon kung ang kabataang tulad ni Wenceslao Vinzons at Antonio Nieva ay hindi nakipaglaban sa mga mananakop. Siguro nasa ilalim pa rin tayo ng diktadurang Marcos (Imelda?) kung ang mga kabataang tulad ni Edgar Jopson at Lean Alejandro ay hindi nakilahok sa mga welga, martsa, at demonstrasyon na humantong sa mapayapang EDSA People Power Revolution.

Sa labas ng Pilipinas, siguro meron pa ring Vietnam War kung ang mga kabataang Amerikano ay hindi sumalungat dito. Siguro mga komunista pa rin ang mga namamahala sa Czechoslovakia kung ang mga kabataan ay hindi lumahok sa Velvet Revolution ng 1989.

Bilib na bilib tayo ngayon sa mga kabataan ng Hong Kong na patuloy na nakikipaglaban para sa kanilang kalayaan at kinabukasan.

Ang mga kabataan na nagbibigay pansin, aktibong nakikilahok, at natututo sa nakaraan ay parating iniiba ang laro, gumagawa ng bagong daan, lumilikha ng bago. Sapagkat ang kabataan ay walang-hanggang lakas. Sapagkat ang kabataan ay di-namamatay na pag-asa. Sapagkat ang kabataan ay itinadhanang kinabukasan.