“Sadyang nakakapanuya, kung di man nakakapangilabot, na matapos matanggihan sa hinihinging proteksyon mula sa korte, kinakaharap naman ngayon ng isang grupo ng mga aktibista at human rights defenders ang kasong perjury na isinampa ng matataas na security official ng bansa.
Muli nating nakikita ngayon ang lakas ng mga Goliath na ginagamit ang lahat ng sandata, kabilang ang batas, laban sa maliliit na David ng ating lipunan.
Alam naman natin na ang Pilipinas ay isa sa pinakamapanganib na bansa sa rehiyon para maging isang tagapagtanggol ng karapatang pantao.
Masyadong nagiging madali para masama sa order of battle ng militar para sa pagpapahayag ng pagtutol.
Sa napipintong mga amyenda sa Human Security Act na pinapahaba ang panahong ng pagkakakulong nang walang kasong isinasampa at pinapayagan ang pag-aresto nang walang warrant, nanganganib ang mga human rights defender, aktibista, at ordinaryong mamamayan sa mga paglabag sa mismong pinaglalabang mga karapatan.
We call on the courts to be most judicious in ruling on the case of the activists and to accord them due process that they deserve.”