A big, heartfelt salute to the Filipino teachers in the country and abroad on World Teachers’ Day!
Teachers are our second parents, role models, and cheerleaders. Teachers shape us to have a lifetime hunger for knowledge and excellence. Teachers inspire values for compassion, integrity, hard work, and commitment. Like soldiers, public school teachers may be assigned anywhere, sometimes putting their lives at risk.
On World Teachers’ Day, we wish our teachers better lives now than we last met them.
Do some still sell various items to augment their income? Do they still use money from their own pockets to buy chalk and other school supplies? Are they still victims of exploitative credit and lending institutions?
It used to be that being in a teaching profession symbolizes living well. No longer.
Teachers receive meager income, and they cope with this meagerness to sustain their needs. Through the years, a teacher’s heart for sacrifice may have grown tired, further aggravated by long work hours, congested classrooms, lack of textbook and school supplies, and substandard facilities.
It’s high time this government make good on its commitment to uplift the status of teachers toward quality education.
Let’s free them up from non-teaching duties; hire more teaching and non-teaching personnel; allow them access to free medical and dental services; and, increase their salary to decent levels.
Teachers are among those in the frontline of providing services to the Filipino people. With education, they help liberate. Good education eventually leads to greater opportunities and chances of attaining a better life. But when will the teachers themselves be liberated from poverty?
Isang malaki at taos-pusong pagsaludo sa mga Pilipinong guro sa bansa at sa ibayong dagat ngayong World Teachers’ Day!
Pangalawang magulang, huwaran, at taga-rah-rah ang ating mga guro. Hinuhubog nila tayong maging gutom sa kaalaman at kahusayan habambuhay. Nagbibigay-inspirasyon sila sa halaga ng pagkakaroon ng malasakit, pagiging isang mabuting tao, pagsusumikap, at paninindigan. Tulad ng mga sundalo, maaaring maitalaga kahit saan ang mga public school teachers, at kung minsan ay nalalagay pa sa panganib ang kanilang buhay.
Ngayong World Teachers’ Day, hangad natin sa mga guro ang mas maayos na pamumuhay kaysa nung huli natin silang nakasama.
Nagbebenta pa rin ba ang ilan sa kanila ng iba’t ibang paninda para madagdagan ang kanilang kita? Ginagamit pa rin ba nila ang sariling pera para bumili ng tsok at iba pang mga school supply? Biktima pa rin ba sila ng mga mapagsamantalang usurero?
Dati-rati, ang propesyon ng pagtuturo ang sumisimbolo sa maayos na pamumuhay. Hindi na ngayon.
Maliit ang kinikita ng mga guro, at ipinagkakasya nila ito para masustena ang kanilang mga pangangailangan. Sa pagdaan ng mga taon, maaaring napapagod na ang kanilang puso sa pagsasakripisyo, na lalong pinalubha ng mahabang oras ng trabaho, nagsisikipang mga silid-aralan, kakulangan sa mga textbook at school supplies, at substandard na mga pasilidad.
Panahon na para isakatuparan ng gobyerno ang pangako nitong paunlarin ang kalagayan ng mga guro tungo sa dekalidad na edukasyon.
Pagaanin natin ang dami ng kanilang mga tungkuling labas sa kanilang pagtuturo; tumanggap pa ng mga teaching at non-teaching personnel; bigyan sila ng access sa libreng serbisyong medical at dental; at taasan ang kanilang sahod sa disenteng antas.
Nangunguna ang mga guro sa pagbibigay ng serbisyo sa mga Pilipino. Sa pamamagitan ng edukasyon, nakakatulong silang magpalaya dahil ang mabuting edukasyon ay nagbibigay-daan sa mas magandang pagkakataon para makamit ang maayos na pamumuhay. Ngunit kailan naman makakalaya ang mga guro mula sa kahirapan?