Transcript of Sen. Francis Pangilinan Interview After the Senate Committee on Agriculture and Food Hearing on the Coco Levy

September 2, 2016

SEN PANGILINAN: Kinakailangang mag-create ng isang trust fund dito sa coco levy funds na ito. ‘Yung assets lang niya at ‘yung funds combined halos 200B eh in cash and assets. Assets meaning, oil mills, itong mga bank. Napakalaking halaga na lahat ay bunga nung coco levy na galing doon sa ating magniniyog. So kinakailangan talaga para ma-correct itong injustice na galing sa kanila, pero itong ating magniniyog eh pinakamahirap sa ating magsasaka.

coco-levy-interview

REPORTER: Sir, another issue kanina na na-raise, yung privatization at iba-iba po ang stand nila.

SEN PANGILINAN: Yes, may mga concern sa privatization dahil ang pinaka-bottom line ay makikinabang ba ang mga magniniyog dito sa privatization? Dahil halimbawa, may mga oil mills, eh may mga produkto ang ating mga magniniyog na puwedeng ma-proseso nang tama at gaganda ang kanilang produkto. In other words, mas tataas ang kanilang kita kung sila mismo ay mayroon ding proseso doon sa oil mills na ito. So bakit mo ipa-privatize kung ito ay magiging daan para gumanda ang kita ng mga magsasaka. So iyon ang mga concerns nila. So hindi sila against privatization per se, pero ang concern nila, dapat hindi ma-agrabya ang interes ng mga magniniyog sa anumang privatization na gagawin.

REPORTER: How do you plan to do that sa committee ‘pag tinuloy yung privatization?

SEN PANGILINAN: Ang mangyayari diyan, we will have to put in place specific provisions siguro on privatization, para mayroong criteria, may guidelines, may parameters. Tapos, ultimately ‘yung compostion ng trust fund committee mahalaga ‘yung talagang mga tunay na kinatawan ng mga magniniyog ang nakaupo diyan, yung mga grupo nila at organisasyon nila, dahil sila naman ultimately ang mayroong pasya. Sila ang magdedecide kung anong klaseng privatization ang gagawin, kung mayroon man. Sila rin ang magdedesisyon kung dapat bang i-privatize, dapat ba hindi. Ibibigay natin sa trust fund committee ang kapangyarihang iyan pero dapat mayroong mga specific provisions para may safeguards at mayroong parameters.

REPORTER: Sinabi niyo kanina over 200B yung combined assets, kasama na doon yung 74 point–

SEN PANGILINAN: 74 billion na cash which is now in a special account sa Bureau of Treasury and then another 100+ billion in terms of assets, yung mga oil mills, bangko ang other assets.

REPORTER: Sir, kanina medyo parang nabulabog ata tayo nung sinabi na 62B ay napunta doon sa SAGF na baka hindi na raw mag-grow?

SEN PANGILINAN: No, it used to be in a trust fund because of the ruling ng Supreme Court na siya po ay dapat na ilagay sa isang–it should be held in escrow. ‘Pag nasa trust fund iyan, kumikita ng interest. Ngunit nang magdesisyon na ang Korte Suprema, nagkaroon na ng partial Entry of Judgment. Inilipat na from the trust fund to a special account. Yung 62B na iyon dahil nasa special account na siya, under the law in administrative code, hindi na siya puwedeng kumita pa ng interest. So, the sooner we are able to bring it back into a trust fund, then magkakaroon na naman ng interest. So we’ve already, I guess in one year’s time, mahigit isang bilyon na ang hindi nakuhang interest na dagdag doon sa 60B+.

REPORTER: So pag na-fast track natin yung bill mas–

SEN PANGILINAN: Yes, then it will be put into a trust fund. Hindi na siya special account. ‘Pag nasa trust fund na siya pwede na siyang kumita ng interest.

REPORTER: So just to clarify, ‘yung mga major revisions or concerns na i-aano natin, trust fund–

SEN PANGILINAN: Yes, creation of the trust fund committee, the composition ng komite, ‘yung issue ng privatization at ano ang safeguards at ano ang criteria para may guidance ‘yung komite dito sa usapin ng privatization. Of course dapat iba yun pondo ng PCA doon sa pondo ng coco levy. Hindi puwedeng ‘yung coco levy funds ay gamitin para sa ibang mga programa ng PCA.

REPORTER: Sir, message na lang or assurance para sa mga coconut farmers na may concern dito sa coco levy.

SEN PANGILINAN: Well, ang mensahe natin, ay talagang ito’y natali sa napakaraming taon. At sabi po ng ating Korte Suprema, ito ay pondo na galing sa magniniyog. Ito ay naging buwis at ngayon ay public fund. Pero dapat ang makikinabang dito ay ‘yung magniniyog mismo at ‘yung industriya. So iyan po ang ating guidelines. Iyan po ang ating marching order, ika nga. Tiyakin na ang batas ay mapoprotektahan ang interes ng magniniyog na pinakamahirap sa ating mga kababayang magsasaka.

REPORTER: So Sir, what happens to the promise of President Duterte na mabibigay daw yung coco levy fund within his first 100 days in office. Is it still possible?

SEN PANGILINAN: We have thirty days to go. Siguro maaantala nang kaunti pero palagay ko naman eh kung kaunting delay lang ay maiintindihan naman ng ating mga kababayan.

×