TRANSCRIPT OF SENATOR FRANCIS PANGILINAN’S INTERVIEW WITH CNN PHILIPPINES ON MARCOS BURIAL

August 8, 2016

PINKY WEBB: …para po sa Armed forces of the Philippines, na instructing the PVAO na manguna dito sa paglibing sa dating pangulo dito sa libingan ng mga bayani.

SEN PANGILINAN: That is right. Pero hanggat di naman siya nililibing, puwede pa magbago ng isip ang ating pangulo. So sana po magbago isip niya. Pero kung hindi, halimbawa po mangyaring di talaga siya magbabago ng isip, I think mayroong pagkakataon na dalhin ito sa hukuman para magpasiya ang hukuman dahil mayroong batas na maliwanag po na nagsasabi na nagkaroon ng gross violation of human rights noong panahon po ni Marcos. Kaya nga po sila ay bibigyan ng compensation. Parang taliwas ho sa batas na iyon because this law, and if I may quote, “the state hereby acknowledges its moral and legal obligation to recognize and or provide reparation to victims and their families as well as yung mga injuries na natamo nila.” Taliwas po yung pasiya na iyan dito sa batas na ito so we can make a legal argument against the burial of the former President dito sa Libingan ng mga Bayani.

PINKY WEBB: Senador, kayo na po nagsabi na posibleng dalhin ito sa hukuman, ano po. Kayo ho ba, sakali, may planong pangunahan ito?

SEN PANGILINAN: Hindi ko pa naisip iyan pero nababalitaan ko na mayroong ilang mga grupo na nag-iisip po niyan. So tingnan natin, baka naman hindi pa kailangan. Premature pa sa ngayon dahil we still have maybe a month kung Sept 18 ang sinasabi nilang petsa. So hopefully magbago pa ang isip.

PINKY WEBB: So hihintayin mo muna Senator na baka sakaling magbago nga po ang isip ng ating pangulo?

SEN PANGILINAN: That is right. That is right. Before any legal action should be taken. Sa buong mundo kasi kilala ang Marcos dictatorship na pinatalsik, na corrupt, na talagang inabuso ang puwesto. Ayaw naman natin na maging katawatawa sa international community na pinaparangalan natin at binibigyan natin ng heroes burial. Ang balita ko mayroon pa atang 21 gun salute. Eh hindi naman ho tama ito. Ako simple lang sa akin pag tinatanong bakit ako tutol, eh kinakailangan naman maliwanag. Puwede namang magpatawad hindi naman problema na patawarin ang nagkasala. Pero iba naman hong usapin na bibigyan po natin ng military honors saka ng heroes burial, eh ibang usapan naman po iyon.

PINKY WEBB: Senador, papaano po yung sabihin natin balikan po natin yung eleksyon. Punta lang po ako doon sa kabilang panig. Sa mga bumoto kay Senador Bongbong Marcos alam naman po natin lahat na it was really a tight fight between BBM saka po ang ating Vice President ngayon. Yung po kasing sabihin natin na lang yung mga supporters ni Dating Senador Marcos at yung iba pa ho. Ang sasabihin nila, tama lang ito because it’s time to move on. Tapos na po iyon, ito ang paraan ng healing. Ano po ang inyong sagot sa ganoong klaseng pag-iisip?

SEN PANGILINAN: Well hindi ho tayo sang-ayon. Demokrasya tayo that they’re entitled to their own opinions even if we disagree with it. But ako, hindi ako naniniwala na dapat pong parangalan at bigyan ng heroes burial ang isang diktadura na naging corrupt at inabuso ang puwesto. Ang estimate nila mga 10 billion dollars ang napasakanila, sa pamilyang Marcos – kay dating Pangulong Marcos. Eh paano naman iyon? Paano ko naman tatanggapin na bigyan siya ng heroes burial? Sa atin, sana magrespetuhan tayo ng punto de vistang kontra. Nasa demokrasya tayo, puwede tayong magkasalungat pero hindi naman kinakailangan na ang ating pagiging kontra punto de vista ay mauuwi dito sa hindi tamang pagbitiw ng mga salita o kaya ng pag-iinsulto. Doon na lang po tayo sa usapin ng arguento.

PINKY WEBB: Ah, just respect, Sir, kung kayo ay pro or anti man. Maraming salamat Senador Kiko Pangilinan.

SEN PANGILINAN: Maraming salamat po.

×