A year ago today, our country woke up to the news of a dictator’s funeral. The arrangement had been planned in secret, against the law and against the wishes of the Filipino people, many of whom to this day demand justice for the horrors of the Marcos regime — then again, one could not have expected more from a family of thieves who remain unapologetic and willfully ignorant of their crimes.
But while a false hero was being buried at the Heroes’ Cemetery, true heroes were rising to the challenge and making their voices heard. All across the country, we saw the power of a people who never forgot the truth about this dictator. Crowds numbering in the thousands gathered to condemn the disrespect and utter shamelessness of the secret funeral. Amidst this dark attempt at historical revisionism came the light of thousands of indignant Filipinos who remember their history and cry out: he is not a hero.
Much of our news today tells us how far we still have to go, how so much is still to be done. So on this day, let us choose to remember not the burial but the people who rose to the call: protesters who showed a strong sense of hope, pride, and solidarity.
Never forget. Never again.
Isang taon na ang nakalipas ngayon nang magising ang ating bansa sa balita ng libing ng isang diktador. Ito ay palihim na pinlano, labag sa batas at sa kalooban ng sambayanang Pilipino, na marami hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ng hustisya para sa mga katatakutan ng rehimeng Marcos — ngunit wala namang maaasahan pa mula sa isang pamilya ng mga magnanakaw na hanggang ngayon ay walang pagsisisi at patuloy na pinaninindigan ang pagkawalang-sala nila.
Ngunit habang ang isang huwad na bayani ay inililibing sa Libingan ng mga Bayani, sumagot naman sa hamon ang mga tunay na bayani ng ating henerasyon. Nakita natin ang kapangyarihan ng isang sambayanan na hindi kailanman nakalimutan ang katotohanan tungkol sa diktador na ito. Libu-libong mga Pilipino ang nagtipon upang kundenahin ang kawalang-galang at kawalang-hiyaan ng sikretong libing. Sa gitna ng dilim ng pagtatangkang baguhin ang ating kasaysayan ay ang liwanang ng libu-libong Pilipino na hindi nakalimot sa kanilang kwento at sabay-sabay na nanawagan: hindi siya bayani.
Pinapaalala ng karamihan ng ating mga balita ngayon kung gaano pa kalayo ang ating kailangang lakbayin, gaano pa karami ang ating kailangang gawin. Kaya sa araw na ito, piliin nating gunitain hindi ang libing kundi ang mga tao na sama-samang tumindig at nagprotesta: mga nag-protestang nagparamdam ng pag-asa, pagmamalaki, at pagkakaisa.
Never forget. Never again.