10 ‘Ligaw’ Tips from Sen. Kiko Pangilinan

February 14, 2017

Valentine’s Day na! At napakaswerte mo dahil pumayag makipag-date si crush. Ngunit sobrang kang kinakabahan. Hindi mo alam kung paano siya kakausapin? Magdadala ka ba ng bulaklak? Manghaharana sa bintana? Idadaan sa mga hugot at biro? Paano mo ba paabutin sa forever ang pagkakataon na ito?

Huwag mag-aalala. May mga tips si Sen. Kiko. Huminga nang malalim at makinig sa mga payo ng nakapagkamit ng matamis na “oo” ni Mega Star. Heto ang sinalin sa Tagalog mula sa feature ng Manila Bulletin na 10 ligaw tips ni Sen. Kiko.

1. Magpakatotoo ka.

Suriin ang iyong intensyon. Hindi mo ito madadaan sa bola. Kailangan mong maging tiyak at tapat dahil kapag nasa tamang lugar ang puso, wala kang dapat ipag-alala.

Check: Mahal mo ba siya talaga?

2. Huwag mag-alinlangan. Kailangan buo ang loob.

“Kapag ikaw ay nag-pursue ng isang gusto mong mahalin sa buhay, dapat ay forever ang intensyon mo.”

3. May itinadhana para sa iyo.

Huwag matakot umibig. Minsan masakit ngunit kailangan mong mag-move on. Maniwala kang may itinadhana para sa iyo.

4. Trust in God’s Plan

Tuwing may pagsubok, mag-dasal. Tried-and-tested na ito ni Sen. Kiko: “Ipinasa-Diyos ko na itong more than 20 years na relasyon… 23 years this coming April.”

5. Laging ikaw ang may huling salita: “YES, DEAR”

Dahil mahal mo siya, pakinggan at sundin ang kanyang mga hiling.

6. I-spoil siya sa mga simpleng regalo

Flowers and chocolates? Siyempre naman. Minsan nga imbis na bulaklak, ay chicharong bulaklak ang regalo ni Sen. Kiko sa Mega Star. “Pwede ring roses and porkchops. Lechon Bocaue.”

7. Dapat consistent

Hindi pwedeng urong-sulong. Magparamdam araw-araw.

8. Dapat palabiro

“Kailangan madaming tawanan. Kailangan palabiro. Ibig sabihin ng disarming, nahuhulog ang loob niya sa iyo dahil pinatatawa mo siya.”

9. Kailangan malambing

Kung talagang mahal mo siya, iparamdam mo. Maging sweet at malambing.

10. Isama sa panliligaw ang nanay at tatay

“Di pwedeng hindi kasama ang magulang sa panliligaw.”