$434M US grant inisnab sa Senado

September 26, 2010

Ernie Reyes
Remate
September 26, 2010

SINERMUNAN  si Pangulong Benigno Aquino ng isang kaalyado Senado sa pagsasabing  hindi dapat turuan na  mamihasa Pilipinas na palagiang umaasa sa ayuda ng dayuhan kaugnay ng naarbor na $434 milion grant sa kanyang biyahe sa United States.

Sa ipinalabas na pahayag, sinabi ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan na hindi dapat umaasa na lamang ang bansa sa dayuhan ayuda sa tuwing kakapusin ng pondo ang gobyerno tulad nang naibigay na $434M US grant ng  Washington sa Pilipinas.

“Welcome ang US grant, pero dapat ipokus ng bansa ang paglikha ng trabaho upang masustenahan ang ekonomiya at mabawasan ang kahirapan,” ayon kay Pangilinan.

Sinabi pa ni Pangilinan, kaalyado sa Liberal Party ng Pangulo, na matutugunan ng $434M ayuda ang binabalak na proyekto ng kasalukuyang administrasyon, ngunit kailangan umanong maghinay-hinay si Aquino sa pansandig sa Amerika sa tuwing mangangailangan ng pondo ng Pilipinas.

Hinihikayat din ni Aquino ang mamumuhunang Amerikano na maglagak ng salapi sa sektor ng enerhiya sa bansa na upang lumakas ang ekonomiya at makalikha ng hanapbuhay.

View original post on Remate

 

 

* Photo taken from Official Gazette Facebook page