Arroyo pwedeng magtagal sa pwesto kapag sumablay ang 2010 polls

March 10, 2009

GMANews.TV   
March 6, 2009

MANILA – Nagbabala si Senador Francis “Kiko” Pangilinan nitong Biyernes na pwede pa ring magtagal sa kapangyarihan si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kahit hindi matuloy ang Charter change.

Sinabi ni Pangilinan na mananatiling presidente si Arroyo kahit tapos na ang termino nito sa 2010 kapag pumalpak ang eleksyon sa Mayo at idineklara ang failure of election.

Posible umano itong mangyari kapag nagkaroon ng problema sa sistemang itinutulak na full automation sa 2010 elections ng Commission on Elections (Comelec).

May kapangyarihan umano si Arroyo bilang presidente na magdeklara ng State of Emergency kapag nagkaroon ng failure of elections sa pagpili ng bagong presidente at ito na ang pwedeng gamitin ng pangulo upang magtagal sa kapangyarihan, ayon sa senador.

Ipinaliwanag ni Pangilinan na si Arroyo pa rin ang nakaupong presidente sa panahon ng eleksyon sa Mayo 2010 dahil magtatapos ang termino nito, kasama si Vice Presidente Noli De Castro sa Hunyo 2010.

Hindi rin umano pwedeng pairalin ang “line of succession” sa paghalili sa presidente dahil bukod sa patapos na rin ang termino ni De Castro bilang bise presidente, posibleng mapaaga ang pagbibitiw nito kapag tumakbo itong presidente sa 2010.

Ang nakalinya na si Senate President Juan Ponce Enrile at Speaker Prospero Nograles ay magtatapos din ang termino bilang senador at kongresista sa Hunyo. Habang si Supreme Court chief justice Reynato Puno ay magreretiro sa Mayo 17, 2010.


 
Read the rest of the article in GMANews.TV