Bigyang halaga ang sahod, ibaba ang presyo ng bigas: Kiko

October 1, 2018

Namalengke yung isang staff namin kahapon. Sabi niya, yung P2,000 niya, nung isang taon lang, tatlong eco bag ang napupuno, na itinatawid na sila ng asawa’t dalawang batang anak at biyenan nang lima hanggang anim na araw. Kahapon daw, lahat nagrereklamo, pati mga tindera sa palengke, lalo na yung sa gulay at isda. Para raw wala nang halaga ang piso niya. Para raw balewala ang pinagpapawisan nilang mag-asawa.

Ganyan din ang reklamo ng mga manggagawa. Sabi ng Sentro labor group, ang minimum na sahod sa Metro Manila na 512 pesos kada araw, kulang na ng 28 pesos sa mga bilihin noong nakaraang taon.

Paano pa ang mga magsasaka’t mangingisda na hindi regular ang kita at sinasalanta pa ng bagyo?

Pag ganyang halos lahat may hinaing, kailangan talaga nating lahat pag-isipan ang mga angkop na solusyon para mabuhay nang maayos ang mga Pilipino. Eto ang isa sa ating mungkahing ura-uradang sagot:

Pagtuunan ng pansin ang presyo ng bigas.

Pag mataas ang presyo ng bigas, ang tendency ay tumaas din ang presyo ng ibang pagkain. Driver ng inflation ang bigas. At pag tumaas ang presyo ng bigas, ang resulta nyan ay gutom. Dahil lalo na sa ating mga kababayang mahihirap, 70% ng kanilang gastusin ay pagkain. Pero doon sa pagkain na 70%, 30% ay sa bigas. So kapag tumaas ang presyo ng bigas, hindi na sya kakain ng tatlong beses sa isang araw.

Dahil pinakamalaking importer ng bigas ang gobyerno, ang NFA, dapat siguruhing sa pinakamababang halaga nito binibili ang pampuno sa wala pang 10% na kulang sa inaani ng ating magsasaka.

A member of our staff went to the market yesterday. She said last year, her P2,000 could fill three eco bags that she, her husband, their two kids, and her mother-in-law would last them five to six days. Yesterday, all were complaining, even the vendors in the market, especially the ones in the vegetable and fish section. Her money seems to have no value. All their hard work as a couple doesn’t seem to matter anymore.

The workers complain about the same thing. The Sentro labor group said the minimum wage for Metro Manila at P512 per day needs an additional P28 to cover last year’s expenses.

What more our farmers and fisher folk who don’t receive regular wage and are constantly ruined by typhoons?

When almost everyone is complaining, we really need to think of appropriate solutions so that the Filipino people can live a life of dignity. This is one of our immediate suggestions:

Focus on the price of rice.

If the price of rice goes up, the tendency is that the price of other goods goes up as well. Rice is a primary driver of inflation. And if the price of rice goes up, the result is hunger. Especially for our poor countrymen, 70% of their expenses goes to food, 30% of which is to rice. So if the price of rice goes up, they won’t be able to eat three times a day.

Since the government, through the NFA, is the largest importer of rice, it should ensure that it buys at the lowest price the less than 10% of rice not produced by our farmers.