Ang Pasko ay isang pagkakataon para makasama ang mga mahal sa buhay: panahon para magsama-sama at magkumustahan ang mga mag-anak na matagal nang hindi nakakapiling; panahon para magdiwang kasama ang pamilya at malalapit na kaibigan, at makapagtagay para sa taon-taon pang samahan. Hindi mawawala sa tahanang Pinoy ang tradisyunal na Noche Buena, kahit gaano pa man kaliit at ka-simple ang handaan — ang importante ay kasama natin ang mga taong mahalaga sa atin sa pagdiriwang ng ika-25 ng Disyembre.
Sa pagsalubong natin sa kapanganakan ng Poong Tagapagligtas, alalahanin din natin kung paano pinahirapan nitong nagdaang taon ang maraming pamilyang ipagdiwang ang Pasko nang may saya at sigla. Maraming nawalan ng pamilya at kaibigan sa madugong kampanya na nagdulot ng sakit at lungkot para sa mga biktima nito. Marami ang magdiriwang nang malayo sa mga tahanang ipinagkaila sa kanilang mabalikan. Marami ang magdiriwang nang mag-isa. Ngunit kahit na nakakalungkot, ay kinakatawan nila ang puso ng lumalabang Pilipino: Tayo ay isang matatag na mamamayan, isang bansang laging nakakakita ng pag-asa at pag-ibig sa kabila ng mga suliranin. Walang duda na makakakita sila ng paraan para salubungin ang pagsilang ni Kristo nang may ngiti sa kanilang mga mukha.
Ito ang tunay na diwa ng Pasko, at kung ano ang sinisimbolo ng pagsilang ni Kristo: ligaya, pag-asa, at kaligtasan.
Anuman ang ating kalagayan, lagi tayong maging isang mamamayang napupuno ng saya, na minamahal at pinahahalagahan ang bawat isa, matibay ang loob at mapagmahal — hangga’t nakakasama natin ang mga taong mahalaga sa atin.
Maligayang Pasko sa lahat.
Christmas is a chance to be in the company of loved ones: a time to get together and catch up with relatives we’ve long since been out of touch with; a time to celebrate with family and close friends, and drink and toast to more years of friendship. No Filipino household is ever without the traditional Noche Buena, however small and humble the feast is — what matters is we are with the people who matter as we celebrate December 25.
As we welcome the Savior’s birth, we also remember how this past year has made it difficult for plenty of families to celebrate their Christmas with the usual joy and vigor. Many lost family and friends to a bloody campaign that has resulted in pain and grief for its victims. Many will celebrate away from the homes they have been denied the chance to return to. Many will celebrate alone. But although it is saddening, they represent the heart of the fighting Filipino: we are a resilient people, a nation that always looks to hope and love when all seems too difficult. Without a doubt, they will find a way to greet the Birth of Christ with smiles on their faces.
This is the true meaning of Christmas, and what the Christ’s birth has come to represent: joy, hope, and salvation.
Whatever our circumstances may be, we will always be a people of good cheer, who love and cherish each other, headstrong and full of heart — as long as we are with the people who matter.
Have a merry, blessed Christmas everyone.