Convert military hospitals V Luna Medical, Veterans’ Memorial Medical plus Quezon Institute into COVID centers: Pangilinan

March 25, 2020

“Ngayon pa lang, napupuno na ang mga ospital at lumalaki ang kailangang espasyo para sa mga pasyente.

Para maayos na masunod ang mga protocol, ang ating mungkahi:

1. Gamitin ang mga military hospital tulad ng V Luna Medical Center at Veterans’ Memorial Medical Center at maging ang Quezon Institute para sa malulubhang karamdaman; hindi lang yung tinamaan ng COVID, kundi pati mga nagda-dialysis, emergency cases, at cancer patients.

2. Gamitin ang malalawak na espasyo tulad ng Rizal Memorial, Ultra, PICC, atbp bilang makeshift isolation centers para sa mga may banayad na sintomas.

3. Mag-self-quarantine ang mga nag-negative sa test pero na-expose sa isang may COVID.

4. Manatiling nasa bahay at tiyakin ang social distancing sa mga komunidad.

Ang lahat ng ito ay para matugunan ang libo-libong maaaring mahawaan.

Samantala, ang mga nawalan ng kita dahil sa lockdown ay dapat bigyan ng tulong na cash at pagkain sa loob ng dalawang buwan.”