Customs kinakalampag na sa smuggling

September 27, 2010

Dindo Matining
Abante
September 27, 2010

Hinamon ni Seb. Francis Pangilinan ang Bureau of Customs (BOC) na sampolan ang mga smuggler ng mga produktong agrikultura sa bansa pamamagitan ng pagharap ng kasong laban sa kanilang hukuman.

Ginawa ni Pangilinan ang hamon matapos makasabat ng P9 milyong halaga ng ipinuslit na sibuyas sa South Harbor sa Maynila ang tanggapan ni Customs Comissioner Lito Alvarez.

“Dapat makatikim ng parusa ang mga maimpluwensyang traders at smugglers para hindi na sila pamarisan pa ng iba,” ani Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture foods.

Ikinabahala ng senador ang pagbaha ng smuggled na sibuyas at iba pang agricultural products na unti-unti aniyang pumapatay sa ating magsasaka.

Sinabi pa nitong umaabot sa P120 bilyon kadsa taon ang nawawala sa kaban ng bayan dahil sa talamak na smuggling ng iba’t-ibang produkto sa bansa.

Nangako naman si Pangilinan na magtutulungan ang Kongreso, BOC at pribadong sektor para matuldukan ang problema sa smuggling at maproteksyunan ang ating mga magsasaka.

View original post on Abante