With thousands of drug addicts and pushers reportedly surrendering in Davao City alone, Senator Francis Pangilinan, on Monday night, took to social media his take on the current anti-illegal drug campaign of President Rodrigo Duterte’s administration.

Pangilinan cited the July 27, 2016 SunStar Davao article reporting that over 4,000 (4,938 to be exact) drug users and pushers surrendered to the Davao City Police Office (DCPO) based on the records of the Police Regional Office (PRO) in Davao Region.
“If the Davao City anti-illegal drugs campaign did not succeed in stamping out and eliminating pushers and addicts in Davao City under President Duterte’s 24 year stint as mayor, what makes us think that the nationwide campaign against illegal drugs will succeed in 6 months (extended to another 6 months)?” Pangilinan noted on his personal Facebook account.
“If a mailed-fist (kamay na bakal) policy against illegal drugs did not succeed in eliminating the drug menace in a smaller area (one city) over a longer period of time (24 years), why will it succeed in a larger area (the entire country of over 100 cities and over 1000 municipalities) in a shorter period of time (3 to 6 to 12 months)?” Pangilinan asked.
As of September 2016, the DCPO reported a total of 9,209 drug users and pushers that surrendered in Davao City.
PROBLEM OF ILLEGAL DRUGS, A HEALTH PROBLEM
Offering solutions to illegal drugs, Pangilinan hinted that people’s mindset on the problem be changed.
“Rehabilitation is key. The illegal drugs problem is a health problem. When we look at addicts as needing medical help and not merely criminals that ought to be killed, then we will be addressing the problem more effectively,” Pangilinan said.
When asked online what effective Operation Plans (OPLANs) should be put in place in order to address the drug problem, he responded: “Rehab for addicts. Job generation and employment for the poor who earn a living from peddling drugs. Modernizing the justice system so that there will be fear and respect for the rule of law. When more are tried and convicted in a swift manner, then we will see respect for our laws.”
As chairperson of the Senate Committee on Justice and Human Rights in 2001, Senator Pangilinan authored the Judiciary Compensation Act that doubled the salary of judges and justices.
He is also the proponent of the Joint Judiciary, Executive, and Legislative Advisory and Consultative Council (JJELACC) which previously gave additional funding support to the Judiciary in order to strengthen and modernize the country’s justice system.
GAANO KAEPEKTIBO ANG KAMPANYA NG GOBYERNO LABAN SA ILEGAL NA DROGA? TANONG NI PANGILINAN
Dahil sa libu-libong taong sumuko na sangkot sa iligal na droga na napabalita sa Davao City lamang, idinaan ni Senador Francis Pangilinan ang kanyang opinyon sa social media tungkol sa kasalukuyang kampanya laban sa iligal na droga ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Binanggit ni Pangilinan ang balita ng SunStar Davao noong July 27, 2016 na nagsasabing mahigit 4,000 (4,938 to be exact) na drug users at pushers ang sumuko sa Davao City Police Office (DCPO) base sa rekord ng Police Regional Office (PRO) sa Davao region.
“Kung ang kampanya laban sa iligal na droga ni dating Mayor Digong sa Davao City ay hindi nagtagumpay na ubusin ang mga adik at pusher sa loob ng 24 na taon niyang panunungkulan bakit natin iisipin na maaring ubusin ang adik at pusher sa buong bansa sa loob ng 6 na buwan (plus 6 months extension)?” pahayag ni Pangilinan sa kanyang personal na Facebook account.
“Kung ang isang kamay na bakal na kampanya laban sa iligal na droga ay hindi nagtagumpay na ubusin ang adik at pusher sa mas maliit na lugar (isang lungsod) sa loob ng mas mahaba na panahon (24 years) bakit natin iisipin na kayang maubos ang mga adik at pusher sa mas malawak na lugar (higit na 100 lungsod at higit na 1000 bayan) sa mas maikli na panahon (3 hanggang 6 hanggang 12 buwan)?” patuloy pa ng pahayag ni Pangilinan.
Nitong September 2016, ni-report ng DCPO na umabot sa 9,209 ang kabuuang bilang ng drug users and pushers na sumuko sa Davao City.
PROBLEMA SA ILEGAL NA DROGA, ISANG PROBLEMANG PANGKALUSUGAN
Ipinahiwatig ni Pangilinan na dapat maiba ang pagtingin ng mga tao sa isyu ng problema sa ilegal na droga.
“Mahalaga ang rehabilitasyon. Ang problema sa ilegal na droga ay problemang pangkalusugan. Kapag tiningnan natin ang mga nalululong sa ipinagbabawal na gamot bilang mga nangangailangan ng atensyong medikal at hindi pawang mga kriminal na basta lamang pinapatay, matutugunan ang problema nang mas epektibo,” diin ni Pangilinan.
Nagbigay ng reaksyon si Pangilinan nang tanungin kung ano ang mas epektibong OPLAN na angkop upang masolusyonan ang problema sa droga.
“Rehab para sa mga lulong sa droga. Paglikha ng mga trabaho para sa mga mahihirap na dati’y kumikita sa pagbebenta ng ilegal na droga. Pag-modernisa ng sistema ng hustisya para magkaroon ng takot at respeto sa ating batas,” sabi ni Pangilinan.
Bilang namumuno ng Senate Committee on Justice and Human Rights noong 2001, isinabatas ni Senador Pangilinan ang Judiciary Compensation Act na dinoble ang suweldo ng mga hukom.
Siya rin ang naging proponent ng Joint Judiciary, Executive, and Legislative Advisory and Consultative Council (JJELACC) na nagbigay ng karagdagang suportang pinansyal upang patatagin at ma-modernisa ang sistema ng hustisya sa bansa.