While the bombing is deplorable and the perpetrators should be apprehended and brought to justice I do not see the need for a martial law extension. The existing martial law proclamation failed to prevent the bombing so why would an extension prevent a future bombing? What is needed is no-nonsense police work to punish the guilty and if necessary the calling out of the armed forces to address these lawless elements without need for a martial law declaration.
Up until now, the region is stricken by hunger due to the rice crisis and high prices of commodities. This requires immediate action, and martial law extension is definitely not one of them.
Bagaman ang nangyaring pambobomba ay karima-rimarim at dapat mahuli ang mga may sala at maparusahan, hindi ko nakikita na kailangang palawigin pa ang martial law. Nabigong pigilan ng umiiral na batas militar ang pambobomba, kaya paano mapipigilan ng isang extension ang mga pambobomba sa hinaharap? Ang kailangan ay isang no-nonsense police work para maparusahan ang mga nagkasala at kung kinakailangan ay ipatawag ang sandatahang lakas para mapagtuunan ng pansin itong mga lumalabag sa batas nang hindi kinakailangan ang deklarasyon ng batas militar.
Hanggang ngayon, tinatamaan pa rin ng gutom dahil sa krisis sa bigas at mataas na presyo ng mga bilihin. Kailangan nito ng agarang pagkilos, at hindi sagot ang martial law extension.