Statement of Sen. Francis Pangilinan on lowest palay prices in 8 years*:
Huwag hintaying patay na ang kabayo, ipatupad na ang mga magsasalba sa mga magsasaka: Kiko
In a privilege speech on August 13, we echoed the alarm that our rice farmers were sounding for the then worsening crisis that would peak during the wet harvest season.
We are here now: The average farm-gate price of unhusked rice has slid to its lowest in eight years at P15.96 for the third week September, according to the Philippine Statistics Authority.
This is 1.5 percent lower than the week before and 30.1 percent than a year ago. Natala ang pinakamababang presyo sa Bulacan, kung saan ang palay ay binebenta ng P10 kada kilo, mababa sa tinatayang production cost na P12 kada kilo.
Lugi na po ang ating mga magsasaka. Nagbungkal, nagtanim, nag-ani na ang mga rice farmer natin, pero lugi sila.
Among the solutions we proposed that government immediately implement include using the agriculture special safeguards under Republic Act 8800. This has already been triggered by a volume or price threshold of imports. In the September 25 budget hearing of the DOF, Secretary Dominguez said the tariffs collected has breached the P10-billion mark.
Ibig sabihin, itaas na ang taripa ng mga inaangkat na bigas mula sa kasalukuyang 35% sa 47%.
Mababa pa rin itong 47% sa sinasabi ng Philrice na patas na taripang 70%. Pero kahit papano, makakatulong na ito sa ating mga magsasaka.
Pinapayagan itong tinatawag na “regular safeguards” at “agriculture special safeguards” sa ilalim ng mga patakaran ng WTO at maging ng ating mga batas. But as per news reports just now, these are still being deliberated.
At dahil krisis na ang kalagayan ng ating mga magpapalay, kailangan talagang unahin na ang cash assistance, na buod ng ating Senate Joint Resolution 2, which we filed September 5. Sumasang-ayon dito sina Agriculture Secretary Dar at Finance Secretary Dominguez, at maging ang mga kasama natin sa Senado at House of Representatives.
Mahigit dalawang buwan na’ng nakakaraan nang una nating ipinanukala ang mga ito bilang solusyunan sa pagdurusa ng ating mga magpapalay. ‘Ika nga, huwag namang hintaying mamatay ang kabayong nagpapakain sa buong bayan.
https://business.inquirer.net/280751/palay-prices-hit-lowest-in-8-years