ON INTERNATIONAL DAY OF THE VICTIMS OF ENFORCED DISAPPEARANCES

August 30, 2017

Nakikiisa tayo sa pamilya, kaibigan, at mahal sa buhay ng mga nawawala.

Photo source: https://desaparesidos.wordpress.com

Ngayong International Day of the Disappeared, patuloy tayong maghahanap sa kanila, hihingi ng katarungan at patitibayin ang pag-asa na makakapiling muli sila — buhay man o patay.

Kailangang maningil din tayo sa gobyerno dahil maraming kaso ng enforced disappearance ay kagagawan ng tauhan ng estado. Mula noong martial law hanggang sa kasalukuyan, may mga dumadagdag pa ring kaso na hindi nalulutas. Karaniwang biktima nito ay mahihirap, aktibista, magsasaka, ordinaryong tao.

Mayroon tayong batas, Republic Act 10353 o ang Anti-Enforced Disappearance Act of 2012.

Nananawagan tayo ng malawakang pagpapatupad nito. Nananawagan din tayo sa Senado na ratipikahan na ang International Convention for the Protection of All Persons from Enforced Disappearance bilang pagtupad sa pangakong isusulong ang karapatang pantao at wawakasan na ang insidente ng enforced disappearance.