ON INTERNATIONAL WOMEN’S DAY

March 8, 2017

STATEMENT ON INTERNATIONAL WOMEN’S DAY, 8 MARCH 2017, OF LIBERAL PARTY PRESIDENT SEN. PANGILINAN, PRINCIPAL AUTHOR OF EXPANDED MATERNITY LEAVE ACT PASSED BY SENATE ON 6 MARCH 2017

Isang pagpupugay sa kababaihan!

Ayon sa Pulse Asia survey noong Disyembre, naniniwala ang 41% sa ating mga kababayan na patas ang kakayanan ng mga kababaihan at kalalakihan. Ngunit 33% din sa ating mga kababayan ang nagsasabing mas dehado ang kababaihan o gender inequality.

Ang gender inequality ay makikita sa hindi pantay na pagtrato batay sa kasarian, at kung saan mas pinapanigan, pinakikinggan, at binibigyang respeto ang kalalakihan. Nakikita rin ito sa mga kaso ng pang-aabuso (pisikal man o sikolohikal) sa kababaihan.

May mga anak akong babae. Gusto kong mabuhay sila sa isang lipunang nirerespeto ang lahat bilang tao, kahit ano pa ang kanilang kasarian.

Hindi maaaring magpatuloy ang hindi pagkapantay-pantay na ito. Kaisa kami sa hanay ng ating mga kababaihang na nagsusumikap mabawasan ang gender inequality sa Pilipinas, at masigurong magkakaroon ng pagkakataon ang mga kababaihan, tulad ng kalalakihan, na mangarap at magtagumpay.

Mabuhay ang kababaihan! Mabuhay ang Pilipina! Happy International Women’s Day!