Let’s plant seeds of love of country: Kiko

June 12, 2019

Statement of Sen. Francis Pangilinan on 121st Philippine Independence Day
Let’s plant seeds of love of country: Kiko

Independence Day sums up what our patriotic forefathers and foremothers gave us through their struggles — hope and freedom.

However, we continue to be faced with external and internal challenges that erode our people’s hopes and threaten their freedom. For how can we be independent when our people are hungry for food, jobs, and justice?

May today, the Philippines’ 121st Independence Day, serve as a reminder that the ways of freedom are never easy. Each day, we are always called upon to take action and keep guard to fight for and protect our territory, decent employment, equitable opportunities, and right to truth.

It is upon us to nurture the struggles of our heroes who lit the fire toward an independent nation. We should plant, plant, plant — food, trees, and seeds of love of country for the survival of our people, our future, and our planet.

Ang Araw ng Kasarinlan ang kabuuan ng inihandog sa atin ng ating mga makabayang ninuno na bunga ng kanilang pakikibaka — pag-asa at kalayaan.

Gayunpaman, patuloy nating kinakaharap ang mga panlabas at panloob na hamon na sumisira sa pag-asa ng ating mga kababayan at nagbabanta sa kanilang kalayaan. Dahil ano ang halaga ng kalayaan kung ang ating mga kababayan ay salat sa pagkain, trabaho, at katarungan?

Nawa’y ngayong araw, ang ika-121 Araw ng Kalayaan ng bansang Pilipinas, ay magsilbing paalala na ang mga daan tungo sa kalayaan ay hindi kailanman madali. Araw-araw, ang laging panawagan sa atin ay kumilos at maging mapagbantay upang ipaglaban at ipagtanggol ang ating teritoryo, disenteng trabaho, pantay-pantay na pagkakataon at karapatan sa katotohanan.

Tayo ang mangangalaga ng ipinaglaban ng ating mga bayaning nagsindi ng ilaw para marating natin ang isang malayang bayan. Dapat tayong magtanim, magtanim, magtanim — ng pagkain, mga puno, at punla ng pag-ibig para sa bayan upang ikaligtas ng ating mga kababayan, ng ating kinabukasan, at ng ating mundo.