Bombo Radyo Philippines
August 16, 2010
Isinusulong ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang pagsasa-live streaming ng Senate proceedings sa plenaryo, mga imbestigasyon, at pagpupulong ng mga committees, para sa pagbibigay ng tamang impormasyon sa publiko.
Ayon kay Pangilinan, mailalapit sa taongbayan ang Senado kung saan makapagbibigay ng impormasyon at transparency sa publiko ang pagsasa-live streaming ng mga ginagawa sa senado.
“Through this bill, we will have initiated a greater informed participation among the members of the Senate and the general public. We will bring the Senate closer to the people. This will provide the public access to the inner workings of the legislative branch without editing or commentary, so that nothing will be misinterpreted, as they will be getting accurate information in real time,” ani Pangilinan.
Sinabi rin ng senador na mahigit sa 10 milyong overseas Filipino workers (OFWs) sa ibayong dagat ang makikinabang sa nasabing panukala na makikita ang mga ipinapasang panukalang batas ng mataas na kapulungan ng Kongreso lalo na sa mga batas na kapaki-pakinabang sa mga OFWs.
View original post on Bombo Radyo