Longer maternity leave better for moms, babies, families: Kiko

October 2, 2018

We laud Congress for standing up for the cause of women and families with the passage of the Extended Maternity Leave measure.

As one of its authors, we are elated that soon, we will have a law that will promote better health for both mothers and babies, and one that supports responsible parenthood.

This is also a meaningful investment on child development and families as a whole as it helps pave the path for the growth of healthy persons.

We thank Sen. Risa Hontiveros for her unwavering effort to see the bill through.

We hope that when it becomes a law, employers would cooperate and abide by the law, keeping in mind that their employees’ general welfare will redound to workplace excellence and competitiveness.

Pinupuri namin ang Kongreso sa pagiging maka-kababaihan at maka-pamilya sa pagpasa ng panukalang Extended Maternity Leave.

Bilang isa sa mga may-akda nito, natutuwa tayong sa lalong madaling panahon, magkakaroon ng batas na magtataguyod ng kalusugan para sa mga nanay at sanggol, at sumusuporta sa pagiging responsableng magulang.

Makabuluhang puhunan din ito sa pagpapaunlad ng bata at mga pamilya sa kabuuan dahil tumutulong ito sa paghawan ng landas para sa mas maraming malulusog na tao.

Pinasasalamatan natin si Sen. Risa Hontiveros para sa kanyang matibay na pagsisikap para mapasa ang panukalang ito.

Inaasahan natin na kapag naging batas na ito, tutulong at susunod sa batas ang mga employers, maiisip nila na kapag malusog at masaya ang kanilang mga empleyado, mas masipag at may malasakit sila sa trabaho.