Mensahe ni Sen. Kiko Pangilinan sa Araw ng Kagitingan

April 9, 2018

Hindi lang si Rizal o Bonifacio o Ninoy Aquino ang magiting. Bawat Pilipinong nag-aalay ng dugo, luha, at pawis, lakas, saya, at buwis, magiting. Lahat ng Pilipinong lumalaban sa paniniil at para ituwid ang mali, magiting.

Hindi tama ang pagpatay ng mga drug suspects, hindi tama ang pagkulong kay Sen. Leila de Lima, hindi tama ang mambastos ng babae, hindi tama ang ipamigay ang mga isla ng Pilipinas, hindi tama ang wala ng murang NFA rice, at kung anu-ano pa.

Humugot tayo ng lakas at tibay ng loob mula sa ating mga ninunong nag-alay ng buhay para sa bayan, para sa kalayaang natatamasa natin ngayon.

Tandaan: Ang Pilipinas ay duyan ng magiting.

Rizal, Bonifacio, and Ninoy Aquino are not the only icons of courage. Every Filipino who offers blood, tears, and sweat, strength, joy, and taxes, is brave. All Filipinos who fight against oppression and right the wrong are valiant.

The killing of drug suspects is wrong, the imprisonment of Sen. Leila de Lima is wrong, misogyny is wrong, giving away Philippine islands is wrong, having zero NFA rice stocks is wrong, and many more.

Let us draw strength and courage from our ancestors who dedicated their lives to the country, for the freedom we enjoy today.

Let us remember: The Philippines is a cradle of courage.