We celebrate today the long-standing friendship between the Filipino and Chinese peoples, as well as the contributions of Chinese-Filipinos to our national development.
The full integration of Chinese-Filipinos in our society is proof of our steady friendship borne out of the common experiences of our forefathers and our peoples in their drive for independence from foreign impositions.
Today, Filipino-Chinese Friendship Day, we are given the chance to revisit the fundamental bases of our relationship, one that is hallowed by our heroes and strengthened by our goals for our nations — stability, prosperity, and the rule of law.
Countries can no longer rely on their own strengths. Challenges have become less daunting when we work together in unison with others. That is why we are always willing to work diplomatically with other nations to make better our society, improve our fortunes, and protect and preserve the one environment that we have.
This is the kind of solidarity that must go beyond our national borders. It is the kind of solidarity that all nations of goodwill must strive to fulfill.
On this special occasion, may our relationship continue to be based on mutual respect, harmony, fairness, and a firm commitment to the rule of law.
Happy Filipino-Chinese Friendship Day!
Ipinagdiriwang natin ngayon ang matagal nang pagkakaibigan sa pagitan ng mga Pilipino at mga Chinese, at kasama na rin ang kontribusyon ng mga Chinese-Filipino sa pagsulong ng ating bansa.
Ang ganap na paglubog ng mga Chinese-Filipino sa ating lipunan ay patunay ng ating matatag na pagkakaibigan na nabuo dahil sa mga karanasang pinagsamahan ng ating mga ninuno at ng ating mamamayan sa paghangad nila ng kalayaan mula sa pagsasamantala ng mga dayuhan.
Ngayong Filipino-Chinese Friendship Day, nabigyan tayo ng pagkakataon na balikan ang pangunahing pundasyon ng ating ugnayan, na siyang ginawang sagrado ng ating mga bayani at pinatatag ng ating mga layunin sa bansa — katatagan, kasaganaan, at ang pag-iral ng batas.
Hindi na maaaring umasa pa ang mga bansa sa sarili nilang kakayahan. Madali nang nahaharap ang mga pagsubok kapag sama-sama tayong magtutulungan. Iyan ang dahilan kung bakit lagi tayong handang magtrabaho nang diplomatiko sa iba pang mga bansa upang mapabuti ang ating lipunan, mapalago ang ating kayamanan, at protektahan at pangalagaan ang natatanging kalikasan na mayroon tayo.
Ito ang klase ng pagsasamahan na dapat hihigit pa sa hangganan ng ating mga bansa. Ito ang klase ng pagsasamahan na dapat makamit ng lahat ng bansang may mabuting hangarin.
Sa espesyal na okasyong ito, nawa’y magpatuloy ang ating relasyon na nakabatay sa paggalang natin sa isa’t isa, pagkakasundo, pagkakapantay-pantay, at matatag na pangakong paiiralin ang batas.
Maligayang Araw ng Pagkakaibigan ng mga Filipino at Chinese!