Statement of Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Partido Liberal president, on ‘bukbok bigas’
The pile of questions we want to ask the National Food Authority keeps getting higher and higher.
Immediately after the calamity-level rice supply situation in Zamboanga, the NFA is once again in our headlines with 330,000 bags imported rice infested with weevils.
The NFA cited inclement weather as the reason for the infestation. Is it another issue of lack of planning? Or did the imported rice arrive already infested? If the rice arrived in June, what are the reasons for the delay in unloading?
Even as we reiterate our call for the NFA administration to resign, we also want to know: Who is in charge? Who will be held accountable for these continuing crises?
Most importantly, is the insecticide used to fumigate the rice guaranteed safe for human consumption, as claimed by the NFA authorities?
Like the Philippine Women’s Volleyball Team in yesterday’s win against Hong Kong, we will be as relentless in getting to the bottom of the issues surrounding our rice supply.
It is important to be hyper-vigilant about our rice supply now, more than ever, as we enter our lean months. Back in February, the government assured us that we have enough rice supply and that the imported rice that was to arrive in June will be used as buffer stock. Over the past several months, many have challenged this claim. We are yet to regain our confidence with the government’s ability to feed its people.
Patong-patong na ang mga tanong na nais nating sagutin ng National Food Authority.
Kasunod ng nakaka-alarmang lagay ng suplay ng bigas sa Zamboanga, nasa mga headline na naman ang NFA matapos mapabalita na binukbok ang 330,000 na sako ng imported na bigas.
Sabi ng NFA, dahil daw sa masamang lagay ng panahon kaya binukbok ang mga bigas. Ngunit isyu rin kaya ito ng kakulangan sa pagpa-plano? O dumating ba sa Pilipinas ang mga imported na bigas na mayroon nang bukbok? Kung dumating ang mga bigas noong Hunyo, ano ang mga dahilan kung bakit naantala ang pagdala ng mga ito sa mga warehouse ng NFA?
Habang inuulit natin ang panawagang magbitiw sa pwesto ang liderato ng NFA, gusto rin nating malaman kung sino ba ang in-charge dito? Sino ang dapat panagutin sa tuloy-tuloy at hindi matapos-tapos na mga krisis sa bigas?
Higit sa lahat, nais nating malaman, ang ginamit bang insecticide para i-fumigate ang mga bigas ay hindi mapanganib para kainin, gaya ng sinasabi ng NFA?
Katulad ng pagkapanalo ng Philippine Women’s Volleyball Team laban sa Hong Kong kahapon, hindi rin tayo titigil para malaman ang puno’t dulo ng mga isyung kinakaharap ng ating suplay ng bigas.
Mahalagang mas maging mapagmatyag ngayon tungkol sa ating bigas habang papasok ang tag-ulan. Noong Pebrero, tiniyak sa atin ng pamahalaan na mayroon tayong sapat na suplay ng bigas. Ang darating daw na bigas nitong Hunyo ay gagamitin lamang bilang buffer stock. Ngunit marami na ang kumwestiyon sa pahayag na ito sa mga lumipas na buwan. Hindi pa naibabalik ang ating tiwala sa kakayahan ng pamahaalang mapakain ang ating mga mamamayan.