DOORSTOP INTERVIEW OF SEN. FRANCIS PANGILINAN, 11 September 2018
ON DESTAB PLOT ALLEGATIONS, RICE CRISIS
Q: Ano yung feeling ng LP na paulit-ulit kayong dina-drag na ngayon nasa intel report pa raw kayong nagde-destab?
SEN. PANGILINAN: Well, unang-una walang katotohanan ‘yan at ang dali-daling gumawa ng gawa-gawang intel report. At nakita naman natin na napakaraming pagkakataon sa nakaraan na kapag may palpak sa gobyernong ito, kami ang sinisisi. ‘Yung problema na hindi ma-confirm si Sec. Yasay, LP plot daw, destabilization. ‘Yung si Sec. Aguirre noon ay nasangkot dito sa P50-million extortion, palpak na naman ‘yon. Sinsasabi kami na naman ‘yung involved at nasa likod daw ng isang destab plot na on record, pagkatapos niya sabihin eh nag-sorry. Nagkamali daw siya ng information. So hindi na kami nasu-surpresa na kami ang inaakusahan, lalo nga ngayon palpak itong pag-manage, na-mismanage ang supply ng bigas at tumaas ang presyo ng mga bilihin dahil nga na-mismanage nga itong ekonomiya kaya hayan, nagkakaroon na naman ng dahilan na kami ay sisihin.
Q: Parang ito ‘yung diversionary tactic? Kayo lagi ‘yung…
SFNP: Sa halip na ipaliwanag kung bakit nagkaproblema, nagkapalpak-palpak, eh maninisi o maghahanap ng sisisihin, ipaliwanag na lang at gumawa ng aksyon na matugunan ‘yung problema ng ekonomiya, ‘yung pagtaas ng presyo ng mga bilihin, ‘yung nawawalang NFA rice, eh dapat ‘yun ang sagutin nila, ‘yun ang hanapan ng solusyon at doon sila maghanap nung mga nagde-destab. Dahil ang galit ng tao hindi naman doon sa pulitika, ang galit ng tao ay nandoon sa presyo ng mga bilihin eh. So ‘yun ang kinakailangan tugunan.
Q: Sir, ‘yan ba ‘yung hope ninyo sa 3pm speech ni Pangulo na ipaliwanag—
SFNP: Hintayin na lang natin. HIntayin na lang natin kung ano ang sasabihin.
Q: Sir, paano ninyo binabalak na i-counter ‘yung paulit-ulit na—
SFNP: Naniniwala naman tayo na kapag ipinaliwanag natin sa ating mga kababayan, sila rin naman mismo ay makakaunawa. Nakikita naman nila na ilang beses na itong ginagawa lalo na kapag mayroong kapalpakan. Para malihis doon sa palpak na gawain, maghahanap ng sisisihin. Eh syempre kami ang nasa oposisyon. ‘Yung pagpuna namin, kami ang sinisisi. Ang pagpuna, hindi naman ‘yan destab. Nasa demokrasya tayo eh. Tsaka ibig sabihin ba ‘yung mga nagpupuna doon sa—mga kaalyado nila, mga kaalyado na nila ang nagsasabing palitan na ang economic team. Si Sec. Ben Diokno ang nagsabi dapat magbigti na ‘yung mga NFA officials. O ibig sabihin ba destab ‘yon?
Kasama sa demokrasya ang pagpuna. And our criticism at ang aming pagpupuna, hindi ibig sabihin destab ‘yon. Kung ‘yun ang magiging basehan ng dahilan kung bakit kami ay involved sa destab, eh dapat pati si Sec. Diokno, si Cong. Salceda, si Cong. Suarez na nanawagang magbitiw na ang economic managers at saka magbitiw na ang NFA, eh dapat sila rin destab. Nakikita natin ‘yung ating mga kababayan, mapanuri na rin ‘yan. Mapanuri na rin ang ating mga kababayan. Nakikita naman nila.
Q: Tapos, ‘yon, ‘di ba, mismong si Defense Sec. Lorenzana nagsabi na walang ganoong involved ‘yung opposition sa destab…
SFNP: Well, kami ay nagpapasalamat na may ganitong kumokontra o nagbibigay ng totoong picture, ika nga, ‘yung katotohanan. Wala talaga kaming kinalaman diyan. ‘Wag kami sinisisi sa kapalpakan ng gobyerno. Dapat ang tugunan ay malutas itong problema ng pagtaas ng mga bilihin at nawawalang NFA rice. ‘Yun ang tugunan nila.
Q: ‘Yung missing NFA rice, may missing na 1.2 ang kailangan pero 1.3 ‘yung in-order or binili ng NFA..?
SFNP: Base doon sa datos, malaki na pumasok na bigas sa ating bansa dahil sa pag-import through the NFA at ang tanong: nasaan ‘yon? Ba’t nawawala? Napunta ba sa commercial traders? Ito ba ay ni-rebag? ‘Yan ang mga posibleng dahilan kung bakit walang murang bigas sa merkado dahil ‘yung dapat sanang presyong P27 at P32, ay napunta na sa trader at binebenta nang P40 hanggang P45 hanggang P50.
Q: Sir, ang sabi ni DA Secretary kahapon, mapapababa ang presyo ng bigas pero hanggang P40 na lang. Hindi na siya babalik doon sa dating…
SFNP: ‘Yan ang problema. Mabilis umangat, tumaas ang presyo ng mga bilihin pero mahirap, mabagal bumaba. ‘Yan ang resulta ng kakulangan sa pag-manage ng supply ng bigas sa ating bansa.
Q: So ano ang remedy doon?
SFNP: Ang remedy sa akin kung tatanungin, tanggalin ‘yung mga namamahala, ang ating ahensya ng pamahalaan na may kinalaman dito. At ipasok at ibigay ang management sa mga nakakaalam at sa mga malinis ang hangarin at hindi nakikipagsabwatan sa mga trader at iba pang mga grupo, mga smuggler sa usaping ito.