On pronouncements of PRRD that he wants COMELEC to look for another contractor that is “free from fraud”

We hope for electoral reforms, as well as for those responsible be held to account for the following:

1. Administration allies’ barefaced violation of election laws on billboards, posters, and use of government resources and facilities during the campaign.

2. Malacañang released a baseless “narcolist,” a blatant intimidation and threat of our local politicians all over the country.

3. Many times the President threatened local politicians that he will put on hold their projects if they would not support his candidates.

4. COMELEC denied our request that it conduct a debate during the campaign period so that voters are able to know more about all candidates’ qualifications.

5. COMELEC named a party allied with the majority as the “dominant minority.” This is contrary to our laws, common sense, and the spirit of democracy.

6. There are many reports of un-mailed ballots for our OFWs. Their rights to participate in the election has been curtailed.

7. COMELEC did not give us access to their mirror servers despite our party being a major national political party.

8. Hundreds of VCMs either malfunctioned or were defective in an election where vote-buying was rampant and in which the President himself called it “normal.” COMELEC also did not give us the complete list of precincts and areas where there were reported defective VCMs and corrupted SD cards even though we requested this of them a number of times already during canvassing.

***

Sana i-diretso na ang reporma sa halalan at panagutin ang dapat panagutin sa mga sumusunod:

1. Hayagang paglabag ng mga kaalyado ng administrasyon ang mga election laws tungkol sa billboards, posters, paggamit ng government resources at facilities para sa kampanya.

2. Naglabas ang Malacañang ng walang-basehang “narcolist”. Hayagan itong pananakot at pagbabanta sa ating mga local politicians sa buong bansa.

3. Ilang beses pinagbantaan ng Pangulo ang mga local politicians na iipitin niya ang mga proyekto nila kung hindi nito suportahan ang kanyang mga kandidato.

4. Dineny ng COMELEC ang ating request na magkaroon ng mga debate noong panahon ng kampanya upang masukat at mas makilatis ang bawat kandidato.

5. Pinangalanan ng COMELEC na “dominant minority” ang isang partidong kaalyado ng mayorya. Taliwas ito sa batas, common sense, at diwa ng demokrasya.

6. Maraming mga ulat ng unmailed ballots ng ating mga kababayang OFW. Naalisan sila ng kanilang karapatang bumoto sa halalan.

7. Hindi tayo binigyan ng COMELEC ng access sa kanilang mirror servers, kahit isa tayong major national political party.

8. Daan-daang VCMs ang nasira o nagloko, sa halalan kung saan talamak ang balita ng vote-buying at ang Pangulo mismo ay nagsabing “normal” lamang ito. Hindi rin binigay sa atin ng COMELEC ang kumpletong listahan ng mga presinto at bayan ng mga nasirang mga VCM machines at mga corrupted na SD cards kahit ilang ulit nating hiningi ito sa kanila nung panahon ng canvassing.