Statement of Partido Liberal president Sen. Francis Pangilinan on rebuilding Marawi

March 30, 2018
Bombing of Marawi City

Let them rebuild from their roots.

We support the call of the Marawi residents to be allowed to return to their homeland and repair or make new homes on the same site where they are situated before the siege.

We implore the government to give them access to resources — funds and materials — to ease the burden of those whose houses have been flattened or damaged from the fighting.

Their home is where their families converge, where their Islamic faith has been grounded, where their value systems have been established.

While we are aware of the value of an ecozone to the local economy, there may be a venue nearby suited for it. It should not infringe on the ancestral lands of the Maranaw and other residents of the city.

The residents should have a voice and stake in the planning stage of rebuilding. They should be allowed to return to ground zero and be given assistance, if not compensation, for the damages to their homes and properties. After all, what we are rebuilding is not simply structures, but lives of the Marawi people.

Hayaan silang magtayo muli sa kanilang kinaugatan.

Sinusuportahan namin ang panawagan ng mga residente ng Marawi na payagan silang makabalik sa sariling bayan at ayusin o itayong muli ang kanilang mga tahanan kung saan sila nakatira bago ang paglusob.

Hinihimok namin ang pamahalaan na bigyan sila ng access sa mga resources — pondo at materyales — para mapagaan ang pasanin ng mga may-ari ng bahay na nawasak dulot ng labanan.

Ang kanilang tahanan ay lugar kung saan nagsasama-sama ang pamilya, kung saan nakaangkla ang kanilang pananampalatayang Islam, at kung saan nabuo ang kanilang mga pinapahalagahan.

Habang batid natin ang halaga ng ecozone sa lokal na ekonomiya, maaaring merong ibang lugar na malapit para rito. Hindi ito dapat makapanghimasok sa mga ancestral land ng Maranaw at iba pang mga residente ng lungsod.

Dapat may boses at taya ang mga residente mula sa pa lang sa pagpaplano. Kailangang payagan silang makabalik sa ground zero at mabigyan ng tulong, kung hindi man bayad, para sa mga sinirang tahanan at ari-arian. Pagka’t hindi lang mga bahay ang tinatayo nating muli, kundi mga buhay ng mga taga Marawi.