OPENING STATEMENT OF SENATOR FRANCIS PANGILINAN SENATE HEARING ON CHARTER CHANGE

…So from Cotabato last week, Baguio next Friday, we are now back in Manila. And what I’ve heard repeatedly in all these hearings with respect to Manila is we have been derisively called Imperial Manila, mainly because of the unequal distribution of wealth, the lopsided allocation of resources towards urban centers particularly Manila and Luzon. We decided to have a hearing on this particular matter here in Manila.

Also in our hearings in Cebu, Cagayan de Oro, and Cotabato, there was a common theme as well in terms of the sentiments of the many citizens is that not many are aware of the debate and the issues around charter change but many continue to want to know more about charter change. And part of the reason why we have this today is that we’d like to go into a deeper discussion on the issues being debated, federalism, decentralization, among others. Of course the timeline of Charter Change has been repeatedly asked of us. What does this mean in terms of the 2019 elections? What does a transition period mean? There have been talk about term extension or no election. Some are saying that there has to be—well, we will have Charter Change in time for the May 2019 elections. Of course the question that we’d like to be clarified is if we’re going to have May 2019 elections under the 1987 Constitution and ratifying a new Constitution also together with the election of May 2019, how will that figure in terms of ratifying a new constitution and yet electing the officials under the 1987 Constitution. These are the questions that we’d like to be clarified

It is really a desire to be decentralized and allocate more resources equitably from the National Capital Region that brings us to this situation as to whether or not to pursue Charter Change, whether or not we should support federalism.

Magandang pakinggan ang ideya ng isang pederal na Pilipinas. Ang desentralisasyon ng pulitikal at ekonomikong kapangyarihan sa malalayong kanayunan, kasabay ng kalaunang pagbibigay lakas sa mga mamamayan, ay pangarap ng lahat.

Sa madali’t sabi, kinakailangan bang pederalismo o desentralisasyon? Tulad ng paggawa ng mga batas para magbigay ng dagdag na awtonomiya, dagdag na pondo, para magtalaga ng mas maraming kapangyarihan at para maglaan ng mas malaking pondo sa lokal? Cha-cha ba o batas?

Ngayong araw na ito, titingnan nating mabuti at bubusisiin ang mga panukalang batas. Sa pagdinig na ito, pinadala namin ang mga sumusunod na katanungan sa ating mga panauhin na tungkol sa dalawang paksa: ang pederalismo at desentralisasyon, at ang epekto ng charter change sa eleksyon at sa mga termino ng mga nakaupo.

Sa pederalismo at desentralisasyon, itinuturo ng mga kalahok sa mga nakalipas nating mga pagdinig at konsultasyon ang pangangailangan na magtalaga ng mas maraming kapangyarihan at/o mga mapagtutustusan mula sa sentro papunta sa mga lokal. Upang matugunan ito, iminungkahi ng ilan na mag-adopt ng federal form of government sa pamamagitan ng Charter Change habang iminungkahi ng ilan ang desentralisasyon sa pamamagitan ng pagsasabatas nito. Mayroong mga nagsabi na ang Local Government Code ay dapat pang pasiglahin, mayroong mandatong pag-aralan ito every (5) five years subalit hindi ito nagawa mula noong 1991. And therefore sinasabi batas ba o pagbabago ng Saligang Batas. Subalit, mananatiling mga pahayag lamang ang mga mungkahing ito, kaya nais po namin malaman:

1. Anong partikular na pagbabago ang dapat i-adopt sa pag-lipat sa pederalismo? Ano’ng porma ba ang dapat piliin? Ano ang magiging kalabasan ng revenue at expenditure structure sa federal level at state level?

2. Aling mga pangangailangan at layunin ang matutugunan sa mga partikular na pagbabagong ito?

3. Matutugunan ba ang mga pangangailangan at layunin na ito sa ibayong desentralisasyon sa pamamagitan ng angkop na batas?

Sa madali’t sabi: aling federal system ang ating gagamitin? Ano’ng magiging itsura ng isang Filipino federal system? Paghahati-hatian ba natin ang mga probinsya sa mga estado? Paano natin igu-grupo ang mga probinsya? Ano ang ating basehan? Ano ang magiging papel ng Pangulo sa ganoong patakaran? Bicameral ba o unicameral ba ang magiging federal government? Ano ang magiging papel ng mga mambabatas? Magkakaroon pa ba ng mga senador at partylist representatives? Ano ang naging karanasan ng ibang mga bansa sa pag-federalize?

Sa usapin ng Charter Change, ano ang timetable para sa prosesong ito?

1. Base sa timetable na ito, posible ba ang no-election scenario sa May 2019? Paano? Anu-ano ang mga implikasyon ng isang no-election scenario sa May 2019?

2. Kung papalitan natin ang Saligang Batas, papayagan bang tumakbo muli ‘yung mga kasalukuyang nakaupong opisyal, na umabot na sa kanilang term limit, na para bang tatakbo pa lang sila sa una nilang termino?

Dagdag pa rito, mayroon ba tayong budget para rito, at magkano ang kailangan nating ilaan?

Sa huli, nais malaman ng publiko:

Ano’ng pipigil sa mga pamilya na nakatatak na sa pulitika at negosyo sa kanilang lokalidad mula sa lalong pangingibabaw sa mga bagong tatag na estado? In other words the political dynasty issue. Mapipigilan ba ito ng bagong Saligang Batas? Ano ba ang magagawa o hindi magagawa ng bagong Saligang Batas na wala sa mga repormang nasa Local Government Code na mayroon tayo ngayon?

Ito po ang ilan sa ating mga katanungan and we hope to have a very healthy exchange of views whether for or against federalism, whether for or against decentralization, and hopefully in the end, the citizens will have a better grasp of the issues because in the final analysis, it will be our citizens who will decide as to how we are to proceed in terms of constitutional amendments as it is being proposed.