Isang taon na ang nakakaraan, magkakasama kami ng ilang kaibigan, kapartido, at kaalyado nang nabalitaan namin ang atas ng administrasyong dakpin at ikulong si Senadora Leila de Lima. Binantayan namin siya at dinamayan, mulat na anumang oras ay maaaring damputin si Senadora Leila at dalhin siya sa Crame.
Bukas, sasapit ang unang taon ng pagkakakulong ni Senadora Leila. Wala pa ring nakikita ni isang gramo ng ilegal na droga bilang ebidensya. Wala pa ring liwanag, kahit hanggang sa mga hukom ng Korte Suprema, kung ano nga bang talaga ang krimen na nagawa ni Senadora Leila.
Samantala, habang nakakulong siya, patuloy ang paniniil, panlalapastangan, at panggigipit sa mga kumokontra sa administrasyon. Walang-tigil ang pag-atake sa mga institusyong nagbabantay sa pang-aabuso ng gobyerno, at sumisigurong ginagabayan tayo ng batas at hindi ng huwisyo ng mga makapangyarihan: Ang Commission on Human Rights; ang Ombudsman; ang Korte Suprema; pati na ang Malayang Pahayagan. Tinanggalan ng pondo ang mga kaalyado at kapartido nating piniling sumunod sa konsensya kaysa sa makisabwat sa administrasyon. Pati ang mga LGU na kasapi ng Partido, naging biktima ng pagbabanta, kaya marami sa kanila, bagaman mabigat ang loob, ay napilitang magpaalam na lilipat sa partido ng administrasyon.
Isang taon nang nakapiit si Senadora Leila de Lima, at patuloy na may mga banta sa ating mga karapatan at ating demokrasya. Marahil, napapanahon ang pagninilay: Nakikita natin ang pagpatay, ang kasinungalingan, ang pagbalewala sa ating mga karapatan. Kinontra ito ni Leila de Lima. Ikinulong siya ng administrasyon. Mayroon pa ba sa ating naniniwalang totoo ang mga imbentong alegasyon laban sa kanya? Hindi pa ba malinaw: Ang tangi niyang sala ay ang manindigan para sa ating mga karapatan; ang tumayo para sa kalayaan; ang pumalag laban sa isang gobyernong mapaniil, bastos, at walang-pitagan sa batas.
Sampu ng buong Partido, iginigiit pa rin natin: Inosente si Leila de Lima. Marangal si Leila de Lima. Hindi tiwali si Leila de Lima. Maling nakakulong si Leila de Lima. We demand that the administration follow the laws of the land, and free Leila de Lima immediately.
Bagaman nag-iisa si Senadora Leila sa piitan, hindi siya nag-iisa sa paninindigan. Marami sa atin, kabilang na kami sa Senado, ay matagal nang tumatayo laban sa pang-aabuso at pagmamalabis sa gobyerno. Dahil dito, marami—kabilang na ang ating Chair na si Bise Presidente Leni Robredo—ay hindi nakaligtas sa kasinungalingan at panggigipit ng administrasyon. Sa kabila ng—o marahil, dahil sa—pagtanggol natin sa ating demokrasya at mga karapatang pantao, walang-habas ang ginagawang paninira sa atin.
Sa harap ng mga ito, ang tanong ko nga sa Partido: Kaya ba nating harapin si Senadora Leila at sabihing, “Hindi kita ipinagkanulo; nakiisa ako sa iyo”? Ano ang mga guhit na hindi natin dapat tawirin? Nasaan ang hangganan ng konstruktibong pakikipagtalaban sa administrasyon, at ang hayagang pakikilahok sa kanilang mga gawain? Naging matibay ba o hilaw ang ating paninindigan? Inuna ba natin ang sariling interes kaysa sa pagtalima sa kung ano ang tama at makatarungan? Sino tayo bilang Liberal, at paano natin ito isinasadiwa sa mga batas, polisiya, at agendang ating sinusuportahan?
Bukas, sasapit ang isang taon ng pagkakakulong ni Senadora Leila. Sa linggo, ipagdiriwang natin ang ika-32 anibersaryo ng mapayapang rebolusyon sa EDSA. Naalala ko ang isang senador ng ating partido sa ibang yugto ng kasaysayan na ikinulong din dahil sa kanyang pagiging oposisyon at sa kanyang paninindigan. Sinampahan din ng mga reklamong gawa gawa lamang. Ikinulong din, at walang awang pinaslang, si Senador Ninoy Aquino.
Sa mga panahon na iyon, nanindigan at lumaban ang Partido Liberal. Hinarap ng Partido ang hamon at nilabanan ang tiwali, mapang-api at mapanlinlang na diktadura. Nawa’y pagmunihan nating muli ang kasaysayan natin bilang Partido—ang maraming pagkakataon ng paninindigan at pagsasakripisyo; ang mga aral at pagtalima sa prinsipyo; ang pagtayo, gaano man kahirap, laban sa diktadurya at pang-aabuso. Nawa’y gamitin natin ang mga susunod na araw upang magbalik-tanaw, sariwain ang diwa ng ating pagka-Pilipino, at pag-isipan kung ano ang mga dapat pa nating gawin upang ibalik ang katinuan sa pamamahala.
Naniniwala pa rin tayo: Alam ng Pilipino kung ano ang totoo, at kung ano kasinungalingan. Pipiliin ng Pilipino ang malasakit at pag-unawa, sa halip na poot; ang buhay at kalayaan, laban sa karahasan, pagsasawalang-bahala sa batas, at diktadurya. Sa harap ng paniniwalang ito, lumiliwanag ang tungkulin ng Liberal sa kasalukuyang panahon: Ang makamtang muli ang buong tiwala ng ating mga kababayan—upang taas-noong magbigkis ang buong sambayanan, tungo sa pagkamulat, at sa mas makabuluhang pagkilos.
Sama-sama nating isulong ang pagtanggol sa ating demokrasya, kalayaan at kasarinlan laban sa mga pwersang lokal man o banyaga na nagbabantang agawin ito sa atin.
Palayain si Sen Leila de Lima.
Ipagtanggol ang demokrasya.
Isulong ang kalayaan, katuwiran, at bayanihan sa lahat ng gawain.
Panindigan ang pagiging Liberal.
Senator Kiko Pangilinan’s
Statement to Members of the Liberal Party
Marking Senator Leila de Lima’s
First Year of Incarceration
One year ago, I was with some friends, partymates, and allies when the news arrived: The administration had given the order to bring Senator Leila de Lima to prison. We kept her company, aware that at anytime, she would be picked up and brought to Camp Crame.
Tomorrow marks the first year anniversary of Senator Leila’s incarceration. Not one gram of illegal drugs has been found as evidence against her. There remains no clarity—and this goes to the level of the Supreme Court—on what crimes she was supposed to have committed.
Meanwhile, as she languishes in prison, the oppression, abuse, and persecution continues against those who stand against the administration. The attacks against institutions that guard against abuse, and ensure that we are a nation guided by laws rather than the whims of the powerful, remain relentless: Against the Commission on Human Rights; the Ombudsman; the Supreme Court; even against the Free Press. Allies and partymates who chose to follow their conscience rather than be coopted by the administration have been stripped of their funds. Even party-members in LGUs have been threatened, forcing many to move to the administration party despite misgivings.
A year has passed since Senator de Lima was imprisoned, and the threats against our rights and democracy continue. Perhaps it is time for some reflection: We see the deaths, the lies, the disrespect for rights. Leila de Lima stood against this. She was jailed. Do any of us still believe the fake allegations against her? Is it not yet clear: Her only crime was to fight for our rights; to stand for freedom; to struggle against a government that is oppressive, vulgar, and disrespectful of the law.
The entire party remains steadfast in its insistence: Leila de Lima is innocent. Leila de Lima is honorable. Leila de Lima is not corrupt. It is wrong to imprison Leila de Lima. We demand that the administration follow the laws of the land, and free Leila de Lima immediately.
While Senator Leila de Lima may be alone in jail, she is not alone in standing for what is right. Many of us, including those in the Senate, have long stood with her against government abuse. Because of this, many—including our Chair, Vice President Leni Robredo—have become victims to lies and persecution by this government. Despite our defense of democracy and human rights, or perhaps because of this, the party has been relentlessly pilloried.
In light of this, I ask the Party: If we were to come face-to-face with Senator Leila, can we all rightfully tell her, “I never betrayed you; I stood with you all along”? Which lines should we never cross? What distinguishes constructive engagement with the administration from outright complicity in its actions? Were we whole-hearted in standing by our principles, or did we apply them half-heartedly? Did we put our own self-interest over doing what is right and just? Who are we as Liberals, and how do we live its principles through the laws, policies, and agendas that we support?
Tomorrow, Senator Leila will have been a year in prison. On Sunday, we celebrate the 32nd anniversary of the peaceful revolution in EDSA. I remember a Liberal senator, in another chapter of our history, who was also imprisoned for being in the opposition and for standing by his principles. He was also brought to court on made-up charges. Senator Ninoy Aquino was also jailed, and ruthlessly murdered.
During those days, the Liberal Party fought. We rose to the challenge and fought against a corrupt, oppressive, and deceptive dictatorship. May we all reflect on our history as a party—the many instances of fighting and sacrifice; the lessons we learned and the times we put principle above all else; the way we stood our ground, despite the difficulties, against dictatorship and abuse. May we all use the next few days to search our souls, to relive the essence of being Filipino, and to think about what we should do to reclaim sanity in governance.
We remain steadfast in our faith: The Filipino people can tell truth from lies. The Filipino people will choose compassion and understanding over rage; life and liberty over violence, impunity, and dictatorship. Through this faith, we gain clarity on our duties as Liberals in this day and age: To work tirelessly to regain the full trust of our people—so that we may all unite and inspire each other towards greater vigilance and purposeful action.
Together, let us defend democracy, freedom, and independence against threats domestic or foreign.
Free Senator Leila de Lima.
Defend democracy.
Forward with freedom, reason, and communal responsibility in all our actions.
Be true to being Liberal.