PANGILINAN TO FACEBOOK: TELL PUBLIC IN SENATE HEARING HOW YOU’RE STOPPING FAKE NEWS

January 20, 2017

After Facebook said that it is taking misinformation seriously, Senator Francis Pangilinan wants the officers of the social media platform to attend the Senate hearings once scheduled to explain to the public how they are weeding out fake news from their website.

FNP Session

“Facebook acknowledged that it knows people want accurate information. We are interested in finding out how Facebook is doing it because the platform as it is now is still being abused by perpetrators of fake news,” Pangilinan said.

On Wednesday the Liberal Party president filed Philippine Senate Resolution 271, directing the appropriate committees to conduct an investigation on how Facebook can be penalized for not being able to regulate fake news on its site.

Facebook, in a statement to the media, responded that it has been working on to fight fake news for a long time and admitted that it still has more work to do.

“Facebook’s role in this digital age has become very crucial in the practice of democracy as it moved from a social networking site to a media company. We are hoping that Facebook would take a lead in helping the public in discerning truth from lies and fabrication that are being spread massively to influence public opinion and national discourse,” Pangilinan said.

Facebook further acknowledged the problem to be “complex, both technically and philosophically.” It added that it does “not want to be arbiters of truth” and “instead [relies] on our community and trusted third parties.”

“We wish to understand Facebook’s standards and mechanisms in identifying violators on its platform. In so doing, the public will be informed which information to trust and where to get them from,” Pangilinan said.

PANGILINAN SA FACEBOOK: SABIHIN SA PUBLIKO KUNG PAANO NITO PINIPIGIL ANG MGA PEKENG BALITA

MANILA — Pagkaraang sabihin ng Facebook na seryoso ito sa isyu ng kasinungalingan, sinabi ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na gusto niyang dumalo ang mga opisyal ng social media platform sa i-i-skedyul na pandinig ng Senado tungkol dito at ipaliwanag sa publiko kung paano nito tinatanggal ang mga pekeng balita sa website nito.

“Tinanggap ng Facebook na alam nitong gusto ng mga tao ang tamang impormasyon. Ibig nating malaman kung paano ito ginagawa dahil hanggang ngayon, naaabuso pa rin ang platform na ito ng mga nagpapakalat ng pekeng balita,”sabi ni Pangilinan.

Noong Miyerkulas, nagfile ang pangulo ng Partido Liberal ng resolusyon, Philippine Senate Resolution 271, na nag-uutos sa kinauukulang mga komite ng Senado na magsagawa ng imbestigasyon kung paano maaaring pagmultahin ang Facebook dahil hindi nito napipigil ang paglaganap ng pekeng balita sa website nito.

Sa pahayag nito sa media, sinagot ng Facebook ang senador at sinabing matagal na itong nagtatrabaho para labanan ang mga pekeng balita bagama’t inaming marami pa itong kailangang gawin.

“Napakahalaga sa panahong digital ang papel ng Facebook sa demokrasya mula nang ito’y maging media company at hindi na lang social networking site. Umaasa tayong sisimulan ng Facebook na tulungan ang publiko sa pag-alam kung ano ang tama sa mali, na ngayon ay kumakalat para impluwensyahan ang kuro-kuro ng mga tao at ang pambansang diskurso,” sabi ni Pangilinan.

Inamin din ng Facebook na masalimuot ang suliranin, sa usaping teknikal at pilosopikal. Dagdag pa nito na ayaw nitong maging tagahatol kung ano at hindi ang katotohanan, bagkus ay umaasa sa buong pamayanan at nagtitiwala sa iba pang mga grupo.

“Ibig naming malaman at maintindihan ang mga standard at mekanismo ng Facebook sa pagkilala kung sino ang mga lumalabag sa mga alituntunin nito. Sa ganitong paraan, malalaman ng publiko kung ano’ng impormasyon ang kapani-paniwala at saan ito makukuha,” sabi ni Pangilinan.