‘Taos-puso kaming nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at mga naiwan ni Ambassador Jose Santiago “Chito” L. Sta. Romana, isang dating mamamahayag, kilalang scholar, at expert sa Chinese politics at economics.
Si Chito ay maituturing na isang higante sa larangan ng Philippine-China diplomatic relations.
Malaki ang ginampanan ni Chito bilang ambassador ng Pilipinas sa China mula noong December 7, 2016 upang maisaayos at ma-stabilize ang masalimuot at komplikadong relasyon ng dalawang bansa. Dahil dito, napakalaki ng pasasalamat at utang na loob ng ating bayan kay Chito
Si Chito ay unang nagpunta sa China noong 1971 bilang lider ng isang grupo ng kabataang bumisita sa nasabing bansa. Hindi siya nakabalik sa Pilipinas dahil sa kaguluhan pulitikal noong panahong iyon.
Ito ang simula ng mahigit sa 30 taon ng kanyang pag-aaral at pagtatrabaho sa China.
Gagamitin nating gabay ang kanyang nasimulan para sa maayos at mapayapang relasyon sa China habang naninindigan tayo sa ating soberanya bilang isang bansa.
Maraming salamat, Chito, sa makabuluhang ambag mo para sa mga Pilipino.’
Pangilinan offers condolences to Ambassador Sta. Romana’s loved one
April 19, 2022