MANILA – To help stop the burning bodies of evidence, crematories must keep proper records to aid investigations requiring identification of cremated remains, Senator Francis “Kiko” Pangilinan said Friday.
Pangilinan has filed Senate Bill 1312, or the “Mandatory Collection of Biological Specimen and Identification Samples Act of 2017.” The proposed measure requires crematories to keep books of record containing the name, age, sex, and residence of each person whose body is cremated. It also requires crematories to keep in file digital photos, dental impression, and biological samples for purposes of DNA analysis. These records are to be open at reasonable times for inspection.
In the bill’s explanatory note, Pangilinan noted the ease with which criminals bury all traces of their crime through cremation.
“Appropriate measures must become necessary to ensure that cremation will not be taken advantage of by criminal elements to obstruct investigations and ultimately, the delivery of justice,” said the Liberal Party president.
Pangilinan earlier filed Senate Bill 1307 which pushes for mandatory autopsy in suspicious death cases. This measure requires forensic autopsies be conducted in 12 instances, including deaths resulting from commission of crimes, deaths occurring under suspicious circumstances, and deaths occurring in prison or penal institution or while in custody of the police.
Senate Bills 1307 and 1312 were filed in response to the unprecedented killing of over 7,000 people in the government’s war on drugs, and the kidnap-slay case of South Korean businessman Jee Ik Joo that earned the ire of the international community.
“Measures must be put in place in order to specify proper cremation procedures, ensure that accurate examinations are conducted, and investigations are not hampered on cases when a crime is committed,” Pangilinan added.
MANILA – Para maiwasan ang pagsunog ng ebidensya, dapat mayroong malinaw na datos ang mga crematory na makakatulong sa imbestigasyong nangangailangan ng pagkakakilanlan, ayon kay Senator Francis “Kiko” Pangilinan.
Inihain ni Pangilinan ang Senate Bill 1312, o ang “Mandatory Collection of Biological Specimen and Identification of Samples Act of 2017.” Sa ilalim ng panukalang batas na ito, ino-obliga ang mga crematory na magkaroon ng rekord ng pangalan, edad, kasarian, at tirahan ng taong na-cremate. Kailangan ding magkaroon ng digital photos, dental impressions, at biological samples para sa DNA analysis. Maaaring suriin ang mga rekord na ito kung may makatwirang dahilan.
Ayon sa explanatory note ng inihaing batas, sabi ni Pangilinan na nagiging madali ang pagtago ng ebidensya dahil sa cremation.
“Dapat ay mayroon tayong kaukulang batas na magsisiguro na hindi maabuso ng mga kriminal ang cremation, lalo na’t nagiging hadlang ito sa mga imbestigasyon at sa pagkamit ng hustisya,” aniya ng pangulo ng Partido Liberal.
Noong nakaraang linggo ay naghain din si Pangilinan ng Senate Bill 1307 na nag-uudyok ng pagkakaroon ng mandatory autopsy sa mga kahina-hinalang kaso ng pagpatay. Ayon sa panukalang batas na ito, kinakailangan ng forensic autopsy sa 12 na pagkakataon. Kabilang dito ang mga kaso ng kamatayan na resulta ng krimen, kahina-hinalang kamatayan, at mga kaso ng kamatayan na nangyari sa loob ng bilangguan, o habang nasa kustodiya ng mga pulis.
Layon ng Senate Bills 1307 at 1312 na mapabilis ang imbestigasyon sa pagpatay sa higit ng 7,000 Pilipino sa kasalukuyang giyera laban sa droga, pati na rin ang pagkidnap at pagpatay kay Jee Ik Joo, isang South Korean na negosyante, na siyang ikinagalit ng pandaigdigang pamayanan.
“Kailangang malinaw ang tamang proseso ng cremation, masigurado ang maayos na examination, at hindi magkaroon ng mga hadlang sa mga kasong kriminal,” dagdag pa ni Pangilinan.