Pangilinan to food officials: Just do your job, go after smugglers, stabilize prices

August 28, 2018

Large-scale rice smuggling is considered economic sabotage and is a non-bailable offense. There should be no way to legalize it. Any government rice trading scheme should follow the law and pertinent regulations.

If Secretary Piñol has been in the know about the rice smuggling and other illegal transactions related to rice in Zamboanga, Basilan, Sulu and Tawi-Tawi, what has he done about it? Why hasn’t he acted on it considering that he has been in the post for more than two years now?

As for the NFA, its officials should explain the alleged diversion of rice stocks that drove prices up in some parts of Mindanao. With the arrival of imported rice, why hasn’t the supply stabilized? With its funds and with the support coming from the government, the public expects effective and efficient work from the NFA. It is not even tasked to earn money, but simply to spend funds to ensure that Filipinos would be able to buy affordable and quality rice.

Sadly, our food officials have not lived up to the task.

Ang large-scale smuggling ng bigas ay itinuturing na economic sabotage at isang non-bailable offense. Dapat walang paraan para gawin itong ligal. Dapat alinsunod sa batas at mga kaugnay na regulasyon ang anumang pamamaraan sa kalakalan ng bigas na papasukin ng pamahalaan.

Kung merong nalalaman si Secretary Piñol tungkol sa rice smuggling at iba pang mga transaksyong labag sa batas na nangyayari sa Zamboanga, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi, ano na ang ginawa niya rito? Bakit hindi siya umaksyon gayong mahigit dalawang taon na siya sa pwesto?

Sa kaso naman ng NFA, dapat ipaliwanag ng mga opisyal nito ang umano’y diversion ng rice stocks na nagdulot ng pagtaas ng presyo sa mga lugar sa Mindanao. Sa pagpasok ng imported rice, bakit hindi pa rin nagiging stable ang supply? Sa dami ng pondo at suportang galing sa pamahalaan, umaasa ang publiko sa epektibo at maayos na trabaho mula sa NFA. Ni hindi man trabaho ng NFA na kumita ng pera, kundi gumastos upang siguruhin may mura at dekalidad na bigas na mabibili ang mga Pilipino.

Ikinalulungkot natin na hindi ginagampanan ng ating mga opisyal sa pagkain ang kanilang mga tungkulin.