MANILA — Seeking to stop the alarming spread of misinformation online, Senator Francis “Kiko” Pangilinan wants to penalize Facebook for fake news item it allows to be propagated on its pages.
In Philippine Senate Resolution (PSR) 271 filed late Wednesday afternoon, the new Liberal Party president said: “The propagation of fake news stories has become an effective weapon of several political operatives to influence public opinion and national discourse. As a result, the level and quality of public discourse have suffered. Discerning the truth from the lies has become more difficult every day as manipulation of information and blatant fabrication of stories have become increasingly rampant.”
Pangilinan, who as a young lawyer gave free legal advice on television and radio, asked the Senate to conduct an inquiry on the proliferation of misinformation and fake news sites on social media platforms, particularly on Facebook.
“In this digital age, Facebook and other social media platforms play a crucial role in the practice of democracy. More than being an online platform, Facebook may be described as a de facto media company or publisher that should be responsible and accountable for the content it distributes and allows to be distributed, in order to protect the national discourse from fabricated and false news,” he said.
Pointing out the Constitutional provision that recognizes the vital role of communication and information in nation-building in Article II, Section 24, Pangilinan said: “There is a need to look at the systems that protect the freedoms accorded to all Filipinos by our Constitution, especially where those freedoms are being undermined by a surge in social media abuse through the propagation of falsehoods, defamation, character assassination, and national security threats. It is therefore in the interest of the State to protect the integrity of cyberspace so that it will become a tool for development, and not a tool for sowing dissent and virulent tribalism.”
“Some are now considering social media as the fifth pillar of a democratic republic, as it plays a crucial role in the participation of citizens in governance,” Pangilinan said. “We must also ensure that our people are well-equipped with media literacy skills so that they are able to discern what is factual and what is not.”
Noting how fake news affected the outcome of the United States presidential election by outperforming real news during the final weeks of the campaign, the senator said: “The conversion of false stories into major news topics in this era of post-truth politics has become problematic not only in the Philippines, but also in other parts of the world.”
In 2016 the Philippines had 59.2 million Internet users, with more than 22 million actively engaged on Facebook during the May national elections. Criticisms have been leveled on the role of the Internet and social media for the rampant spread of misinformation and fake news sites that may have influenced critical decision-making.
Pangilinan’s resolution was inspired by German legislators who announced their intention to penalize Facebook for every post not properly moderated within 24 hours.
PSR 271 seeks to direct the appropriate Senate committee to conduct an inquiry in aid of legislation on the proliferation of misinformation and fake news sites in social media platforms and to possibly amend the 2012 Cybercrime Law and other laws, in accordance with respect for freedom of speech and of the press.
PATAWAN NG PARUSA ANG FACEBOOK SA KAWALANG-AKSYON SA PEKENG BALITA: PANGILINAN
Dahil nais niyang pigilan ang nakaka-alarmang paglaganap ng kasinungalingan sa online, ibig ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan na patawan ang Facebook sa kada araw na nakabalandra ang mga pekeng balita sa mga pahina nito.
Sa Resolusyon 271 na na-i-file nang Miyerkules ng hapon, aniya ng bagong pangulo ng Partido Liberal: “Naging isang epektibong armas ng ilang political operatives upang maka-impluwensya ng pampublikong opinyon at pambansang diskurso ang pagpapalaganap ng mga pekeng mga kuwento. Ang resulta: Nagdusa ang antas at kalidad ng pampublikong diskurso. Naging mas mahirap makita ang kaibhan ng katotohanan sa kasinungalingan dahil sa lantarang pagmamanipula ng impormasyon at pagkakathang-isip.”
Ibig ni Pangilinan, na nagbigay ng libreng legal na payo sa telebisyon at radyo noong siya’y isang batang abogado pa, na magsagawa ang Senado ng isang imbestigasyon sa paglaganap ng maling impormasyon at mga pekeng mga balita sa mga social media platform, lalo na sa Facebook.
“Sa panahong ito na marami na ang digital, mahalaga ang papel ng Facebook at iba pang social media platform sa demokrasya. Higit pa sa pagiging isang online na platform, maaaring ilarawan ang Facebook bilang isang de facto na media company o publisher na dapat maging responsable at nananagot para sa mga nilalaman at pinamamahagi nito, upang protektahan ang pambansang diskurso mula gawa-gawa at maling balita,” sinabi niya.
Tinuro ni Pangilinan ang probisyon sa Saligang-Batas na kumikilala sa tungkulin ng komunikasyon at impormasyon sa nation-building sa Artikulo II, Seksyon 24, at sinabi niya: “May pangangailangang tingnan ang mga sistema na nagpo-protekta sa mga kalayaang ito ng lahat na Pilipino sa ating Saligang-Batas, lalo na kung ang mga kalayaang ito ay binabalewala o inaabuso sa social media sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kasinungalingan, paninirang-puri, at pagbabanta sa pambansang seguridad. Samakatuwid, interes ng Estado na protektahan ang integridad ng cyberspace upang ang mga ito ay maging kasangkapan para sa pag-unlad, at hindi para sa paghahasik ng lubhang nakakalason na pagkaka-tribu-tribo.”
“Itinuturing na ngang ‘fifth pillar of a democratic republic’ ang social media, habang ito ay may mahalagang papel sa pakikilahok ng mamamayan sa pamamahala,” ani Pangilinan. “Dapat nating tiyakin ang mamamayan ay may media literacy skills upang sila ay maging mapanuri sa kung alin ang totoo sa hindi.
Tinukoy ni Pangilinan kung paano naka-apekto ang fake news sa resulta ng katatapos na eleksyon ng Estados Unidos kung saan naungusan nito ang mga tunay na balita sa mga huling lingo ng kampanya. Aniya: “Ang pagiging major news topic ng mga fake news sa tinatawag ngayon post-truth politics era ay naging problema na hindi lang ng Pilipinas, ngunit pati na rin ng ibang bahagi ng mundo.”
Noong 2016, mayroon nang 59.2 milyong gumagamit ng Internet sa Pilipinas, kung saan 22 milyon dito ay aktibong nakilahok sa Facebook noong eleksyon noong Mayo. Inulan ng batikos ang naging papel ng Internet at social media sa pagkalat ng mga maling impormasyon at fake news sites na maaaring naka-impluwensiya sa mapanuring pagpapasya ng mga botante.
Hango ang resolusyon ni Pangilinan sa ginawa ng mga mambabatas sa Germany na nagpahayag ng kanilang intensyon na parusahan ang Facebook sa bawat post na hindi moderated nang maayos sa loob ng 24 oras.
Layon ng PSR 271 na ipangasiwa sa kaukulang Senate committee ang pagsagawa ng inquiry in aid of legislation sa paglaganap ng mali-maling impormasyon at fake news sites sa mga social media platform at sa posibleng pag-amyenda sa 2012 Cybercrime Law at iba pang mga batas, alinsunod sa paggalang sa freedom of speech and of the press.