Response of Sen. Kiko Pangilinan, chairman of Senate committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes, to media queries on survey results on Cha-cha and federalism

May 2, 2018

Mukhang iyon nga ang pulso ng taong-bayan. Noong nakaraang mga buwan, umikot tayo sa iba’t-ibang lalawigan ng Pilipinas upang magkaroon ng public hearing tungkol sa Charter change, at ang pinakamalinaw na sinasabi ng ating mga mamamayan ay hindi sapat ang kanilang kaalaman tungkol sa kasalukuyang Saligang Batas. Dahil dito, hindi sila makabuo ng maayos na pasya tungkol sa Cha-cha dahil hindi malinaw sa kanila kung ano ito. Isa rin ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit hindi sang-ayon sa Cha-cha ang marami sa mga dumalo sa ating mga hearing.

We will factor this in although we already had an inkling that this was the general sentiment during our hearings. Isa pang common na sentiment sa mga hearing na pinahayag ng mga eksperto at batayang sektor ay: unahin muna ang mga problema sa trabaho at presyo ng bilihin — yung mga araw-araw na problema ng karaniwang Pilipino.

Parang alam din ng mga mamamayan na pinupwersa ang federalism ng DILG sa mga lokal na komunidad para alisan sila ng karapatang pumili ng mga kandidato sa 2019 eleksyon.

This lack of support for Cha-cha and federalism even in Mindanao, which is supposed to benefit from this push and is reflected in the survey results, simply means that rushing Charter change and forcing it upon the citizens is not the way to go.

Malinaw na ang kailangan at dapat tutukan ay ang pagpalalim ng kaalaman ng ating mga mamamayan tungkol sa Saligang Batas upang magkaroon sila ng sapat na kaalaman upang makapagpasya kung dapat nga ba itong baguhin o hindi.