What makes a country? Aside from the recognition of its neighbors, a country is defined by its territory and the people in that territory, and its ability to defend its territory and people. Thus, it is the government’s sacred core duty to protect its territory in behalf of its people.
That’s why we are deeply troubled that instead of expressing outrage, Malacañang displayed a nonchalant attitude in playing down China’s militarization of the entire South China Sea, including the West Philippine Sea.
It disturbs every Filipino to hear the Malacañang spokesman relying on China’s mere words that it would not reclaim new islands, thus, we can sleep soundly at night. It’s like telling Filipinos not to worry because while China constructed a building, it would only stay on the ground floor.
Since 2013, China has engaged in unprecedented and ecologically devastating dredging and island-building at all seven of the features it occupies in the Spratly Island, creating nearly 1,300 hectares of land. How can we trust it to stop its aggression this time?
Because of the initiative of the last administration, the Philippines has secured an arbitral ruling favorable to us. Let’s not make this a mere paper victory by giving China an easy ride through the current administration.
We, the people, demand that the government, at the very least, not stand idly by and instead protest these blatant violations of the Declaration of the Conduct of Parties in the South China Sea and beef up the country’s defenses in guarding what’s left of our territory.
Ano ang bumubuo sa isang bansa? Bukod sa pagkilala ng kanyang mga karatig-bansa, natutukoy ang isang bansa sa teritoryo at sa mga taong napapaloob dito, at ang kakayahan nitong ipagtanggol ang nasabing teritoryo at mamamayan. Kaya naman banal na pangunahing tungkulin ng pamahalaan na pangalagaan ang kanyang teritoryo alang-alang sa kanyang mga mamamayan.
Kaya tayo ay lubos na nababahala na sa halip na magpahayag ng galit, ipinakita ng Malacañang ang kawalang-interes nito sa nangyayaring militarisasyon sa buong South China Sea, kabilang na ang West Philippine Sea.
Nag-aalala ang bawat Pilipino na marinig ang tagapagsalita ng Malacañang na umaasa lamang sa mga pangako ng China na hindi ito magre-reclaim ng mga panibagong isla, kaya naman raw pwede tayong makakatulog nang mahimbing sa gabi. Para bang sinasabi sa mga Pilipino na huwag mabahala dahil habang nakapagtayo na ng gusali ang China, mananatili lamang sila sa ground floor.
Mula noong 2013, nagsasagawa na ang China ng mga pambihira at nakakapinsalang dredging at island-building sa lahat ng pitong features na sinasakop nito sa Spratly Island na binubuo ng halos 1,300 na ektarya ng lupa. Paano natin ito pagkakatiwalaan na tumigil sa pagiging agresibo ngayon?
Dahil sa inisiyatiba ng nakaraang administrasyon, nakakuha ang Pilipinas ng arbitral ruling na pabor sa atin. Huwag nating hayaang mauwi lang ito sa wala at padaliin ang buhay ng China sa tulong ng kasalukuyang administrasyon.
Hinihiling namin, kaming mga mamamayan, sa gobyerno na huwag magsawalang-kibo at sa halip ay tumutol sa mga hayagang paglabag sa Declaration of the Conduct of Parties in the South China Sea at palakasin ang depensa ng bansa sa pagbabantay ng anumang natitira pa sa ating teritoryo.