Pinupuri natin ang mga inisyatiba para sa kapayapaan ng pamahalaang Duterte. Kinikilala natin ang personal na pagpapahalaga ng Pangulo sa mga ugat ng labanan sa pagitan ng Pilipinong sundalo at Pilipinong rebelde: kahirapan at kawalang-katarungan.
Umaasa tayong ang mahigit apatnapung taong pagdanak ng dugo ay malapit nang wakasan sa pagpapalaya ng mga political prisoners na sina Benito at Wilma Tiamzon, at maging ng pahayag ng Communist Party of the Philippines ng pitong araw na unilateral ceasefire. Mapapatibay ng mga ito ang darating na usap-pangkapayaan sa pagitan ng pamahalaang Duterte at ng National Democratic Front of the Philippines.
Parehong isang dadatnan at isang daan ang kapayapaan. Resulta at paraan sa pag-unlad ang kapayapaan. Kapag ang mga baril ay tahimik, mas maraming magagawa para wakasan ang kahirapan at kawalang-katarungan sa bayan.
Basahin sa English