The Coconut Industry Investment Fund-Oil Mills Group (CIIF-OMG) is one of the government-owned and -controlled corporations (GOCCs) covered by the coco levy bill still pending in Congress 47 years after Marcos the dictator and his cronies hoodwinked our coconut farmers in the billion-peso scam.
A conglomerate established in the 1970s and that runs three oil mills in Iligan, Albay, and Batangas, CIIF-OMG is still not in the control and management of coconut farmers, whose blood, sweat, and tears have started and grown it.
We call for the resolution of this internal conflict arising from graft-blaming among its officials, as any wastage borne of corruption by its officers will disadvantage our coconut farmers.
We also join the coconut farmers in their call for the passage of the law that would give them what from the beginning is rightfully theirs.
Ang Coconut Industry Investment Fund-Oil Mills Group (CIIF-OMG) ay isang GOCC na sakop ng coco levy bill na nasa Kongreso pa rin ngayon, 47 na taon matapos lokohin ng diktador na si Marcos at ng kanyang mga crony ang mga magniniyog sa isang scam na nagkakahalaga ng bilyong piso.
Ang CIIF-OMG ay isang grupo ng mga kumpanyang nabuo noong 1970s at nagpapatakbo ng tatlong gilingan ng langis sa Iligan, Albay, ay Batangas. Wala pa rin ito sa kontrol at pamamahala ng mga magniniyog kahit dugo, pawis, at luha ang nagsimula at nagpaunlad dito.
Nananawagan kaming tapusin na itong away sa loob na bunga ng turuan ng katiwalian sa pagitan ng mga opisyal nito, dahil ang anumang mawawala mula sa korapsyon ay kawalan ng mga magniniyog.
Nakikiisa rin kami sa mga magniniyog sa kanilang panawagang ipasa na ang batas na magbibigay sa kanila ng karapat-dapat na kanila simula’t simula pa.