Statement of Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Partido Liberal president, On floods and government assistance to farmers

July 25, 2018

It has been raining and flooding for the past week. Every time this happens, our farmers and fisher folk are hardest hit. Nakakalungkot.

In these calamities, the agriculture sector often sustains the biggest damage. We thus exhort the Department of Agriculture (DA) and other related agencies to immediately come to the aid of our farmers who have lost their crops and fisher folk who have not been able to go out to sea.

· The DA should make an inventory of the damage to agriculture and make available calamity relief assistance to the affected farmers and fisher folk.

· All concerned government agencies should come together and pool their resources to help our distressed countrymen, especially in areas that remain under water.

· The National Irrigation Administration, in coordination with local government units, should provide temporary jobs to farmers and fishermen in the repair of damaged dikes and irrigation infrastructure to help them tide over the difficult times.

· The Philippine Crop Insurance Corporation must fast-track the release of funds to compensate the losses suffered by farmers, so that they can recover and plant again.

· Farmers should also gain access to the government’s seed assistance program consisting of aid package of assorted vegetable, rice, and corn seeds to help them make a quick turn-around from their crop losses.

· The government has quick response funds, especially for provinces declared as calamity areas, that may be tapped through loans to farmers and other assistance.

Maulan at mabaha ang nakaraang linggo. Tuwing nangyayari ito, pinaka-natatamaan ang ating mga magsasaka at mangingisda. Nakakalungkot.

Tuwing ganitong may kalamidad, madalas na nakakaranas ng pinakamalaking pinsala ang sektor ng agrikultura. Kaya hinihikayat natin ang Department of Agriculture (DA) at iba pang kaugnay na ahensya na agarang magbigay ng tulong sa mga magsasaka na nasiraan ng pananim.

· Dapat magkaroon ng imbentaryo ng mga pinsala sa agrikultura ang DA at madaling ipaabot ang calamity relief assistance sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.

· Dapat magsama-sama ang lahat ng kaugnay na ahensya ng pamahalaan at pagsamahin ang resources para tulungan ang mga nasalanta nating kababayan, lalo na sa mga lugar na lubog pa rin sa baha.

· Dapat magbigay ang National Irrigation Administration, sa pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan, ng pansamantalang trabaho sa mga magsasaka at mangingisda sa pagkumpuni ng mga nasirang dike at imprastrakturang pang-irigasyon para tulungan silang makaraos sa panahong ito ng kagipitan.

· Dapat pabilisin ng Philippine Crop Insurance Corporation ang pagpapalabas ng pondo para mabayaran ang mga nasirang pananim ng mga magsasaka, nang makabangon sila at makapagtanim muli.

· Dapat ding magkaroon ng access ang mga magsasaka sa seed assistance program ng pamahalaan na binubuo ng aid package ng sari-saring binhi ng mga gulay, palay, at mais para tulungan silang makaraos mula sa pagkalugi nila sa mga nasirang pananim.

· May quick response funds ang pamahalaan, lalo na sa mga probinsya na idineklarang calamity area, na maaaring magamit sa pamamagitan ng mga pautang sa mga magsasaka at iba pang mga tulong.