Statement of Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Partido Liberal president, on the P2.4-B flood damage

July 30, 2018
Photo source: http://mabuhayeditoryal.blogspot.com/

Recent reports by the National Disaster and Risk Reduction Management Council placed the damage from heavy rains in the last two weeks at P2.4 billion.

Many towns remain submerged in flood waters, like in Bulacan, even as the rains have stopped.

This calls for immediate aid and assistance to the affected communities. Now that we have the numbers, concerned government agencies should be able to focus their resources and efforts to help the victims recover.

The Department of Social Welfare and Development and local government units should remain in the frontlines of aid distribution, such as food packs, health kits, and clean water. The Department of Health should help check the condition of the people, and avert the spread of diseases. The Department of Public Works and Highways should clear the roads of obstructions, and immediately fix damaged infrastructures.

The Department of Agriculture and its attached agencies should attend to the needs of the farmers who have lost their crops. The DA should help the farmers gain access to free seedlings, loans, and other assistance so that they could plant anew.

We ask the Department of Budget and Management to make a report on the available funds that may be tapped for this purpose lodged in the President’s contingency fund and in the budget of the departments.

The rains may have stopped, but the misery of a number of our countrymen continues. Let us not let their woeful condition be drowned in the noise of politics. Help should reach them faster so that they could rise from this calamity.

Ayon sa mga bagong ulat ng National Disaster and Risk Reduction Management Council, nasa P2.4 bilyon ang halaga ng pinsalang dulot ng malakas na pag-ulan nang nakaraang dalawang linggo.

Maraming bayan ang nananatiling lubog sa baha, tulad sa Bulacan, kahit na tumigil na ang pag-ulan.

Kailangan nito ng agarang tulong sa mga apektadong komunidad. Ngayong hawak na natin ang mga bilang, dapat nakatutok ang mga kaugnay na ahensya ng pamahalaan sa mga pagsisikap at paglalaan ng pondo para matulungang makaraos ang mga nasalanta.

Dapat manguna ang Department of Social Welfare and Development at mga lokal na pamahalaan sa pagbibigay ng mga food pack, health kits, malinis na tubig, at iba pang pangunahing pangangailan ng mga nasalanta. Dapat i-check ng Department of Health ang kondisyon ng mga tao, at nang maiwasang kumalat ang mga sakit. Dapat i-clear ng Department of Public Works and Highways ang mga bara sa kalsada, at agarang ayusin ang mga nasirang imprastraktura.

Dapat asikasuhin ng Department of Agriculture at ng mga kadikit nitong ahensya ang mga pangangailangan ng mga magsasaka na nasiraan ng pananim. Dapat tulungan ng DA na magkaroon ng access sa mga libreng binhi, pautang, at iba pang mga tulong para nang sa gayon makapagtanim sila muli.

Hinihikayat natin ang Department of Budget and Management na gumawa ng ulat sa mapagkukunang pondo na nakalagak sa contingency fund ng Pangulo at sa budget ng mga kagawaran na maaaring gamitin para rito.

Tumigil man ang pag-ulan, patuloy pa rin ang paghihirap ng ating mga kababayan. Huwag natin hayaang malunod sa ingay ng pulitika ang kanilang kalunos-lunos na kalagayan. Dapat mas agarang matulungan sila nang sa gayon ay makabangon agad mula sa kalamidad na ito.