Statement of Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, Partido Liberal president, on Vice President Robredo’s competence

July 11, 2018

Two years since she’s been elected, Vice President Leni Robredo has focused her attention on helping the poor help themselves.

Without a Cabinet position, she has marshalled partners from the private sector to extend P252-million worth of aid for 155,000 families through her Angat Buhay program.

Vice President Leni has shown her competence through compassionate, empowering, and responsible leadership.

The President’s remarks are unfortunate, given that they are untrue, and more so because they digress from the core issues that hound Filipinos every day.

Rice prices increased by 5 pesos a kilo when the President promised to bring it down to 15 pesos. The prices of goods and services have risen by 5.2%, the highest in nine years. And out on the streets, our citizens are subject to kotong, threatened with arrest or harm, while the Chinese poachers who mistreat our fishermen are treated with kid gloves.

Dalawang taon mula nang siya ay mahalal, nakatuon ang atensyon ni Vice President Leni Robredo sa pagtulong na iahon ng mahihirap ang kanilang sarili.

Kahit na walang posisyon sa gabinete, nakahanap siya ng mga katuwang mula sa pribadong sektor upang makapagpaabot ng P252 na milyong halaga ng tulong para sa 155,000 na pamilya sa pamamagitan ng kanyang programang Angat Buhay.

Ipinakita ni Vice President Leni ang kanyang kakayahan sa pamamagitan ng kanyang pamumunong mapagkalinga, mapagpalaya at nananagot.

Nakakalungkot ang mga salitang binitiwan ng Pangulo, lalo na’t hindi totoo ang mga ito, at dahil lalong lumilihis ang mga ito sa mga pangunahing isyu na kinakaharap ng mga Pilipino araw-araw.

Tumaas ng 5 pesos kada kilo ang presyo ng bigas samantalang ipinangako ng Pangulo na pabababain niya ito sa 15 pesos. Tumaas ng 5.2% ang presyo ng mga bilihin at serbisyo, pinakamataas sa huling siyam na taon. At sa mga lansangan, nakokotongan, napagbabantaan na aarestuhin o sasaktan ang ating kapwa, habang malamya ang turing sa mga Chinese poacher na inaabuso ang ating mga mangingisda.