“Sa second President’s report, mas nagkakaroon na ng linaw ang ginagawa ng ating mga magigiting na public servants para ipatupad ang Bayanihan Act. Meron ng mga figures ang nai-download na pera para sa social amelioration package; ang bilang ng mga sundalo nating health workers na pwedeng tumugon sa pandemyang ito; ang mga PPEs at testing kits na naipamahagi; at mga isolation centers na kino-convert mula sa sporting at events venues.
Nagpapasalamat ulit tayo sa libo-libo nating mga lingkod-bayan na lumalabas ng bahay para ipatupad nang maayos ang lockdown: ang mga nars, doktor, med tech, at iba pang medical staff; ang mga sekyu at janitor sa lahat ng tanggapan; mga nasa LGU na nagpapatupad ng maraming serbisyo sa ating mga komunidad tulad ng mga garbage collectors; at maging ang mga pulis na nasa ilalim ng init ng araw. Salamat sa inyong serbisyo and keep healthy.
Ngayong umaga, katulad na rin ng ating panukalang suportado ng mga epidemiological at disaster management experts, inextend na rin ang lockdown sa Luzon, hindi lang sa Metro Manila, hanggang April 30.
Dapat huling linggo na ng lockdown ngayong Holy Week. Matagal-tagal na rin ang tinitiis ng ating mga kababayan sa kanilang hindi paglabas ng bahay, lalong-lalo na ang mahinto sa paghahanap-buhay. Ito ang ilang masasabi natin sa report:
1. Katulad ng ating paulit-ulit na sinasabi, kailangang may kasabay na mass testing and food supply at cash assistance ang lockdown. Mass testing dahil hindi natin malalaman kung may epekto ang ating mga sakripisyo kung walang mass testing, kung na-flatten na natin ang curve. Food supply at cash assistance dahil ang panlaban lang natin sa COVID-19 ay ating kalusugan; kung gutom at nag-aalala tayo, mas mahina tayo at mas kakapitan ng sakit.
May mga tanong lang tungkol sa special amelioration program at ang pamamahagi nito sa 18 milyong pamilya. Bagamat nasa DSWD na ang malaking bahagi ng pera, mukhang may bara pa sa database. Nasa ikaapat na linggo na lockdown, dapat na-identify na man lang ang mga munisipyo, kung hindi man ang mga barangay, na kailangang unahin dahil hindi na kaya ng kanilang di-hamak na mas maliit na pondo ang food at cash assistance na kailangan ng kanilang sinasakupan.
Naitalaga na sa mga LGU ang mga gagawin, pero parang mabagal ang pag-responde ng buong burukrasya rito, bagamat meron nang mga database ng mga pinakamahihirap (4Ps) at mga basic sectors (RSBS, Registry System for Basic Sectors) na binuno ng nakaraang administrasyon.
Reports have said that the lists submitted by some LGUs are too different from what the DSWD has in its database. We urge the LGUs and the DSWD to reconcile their lists for the purpose of including more beneficiaries ASAP.
2. Maganda ang punto ni Cavite Governor Jonvic Remulla na isama ang middle class sa makakatanggap ng cash assistance. Malaking bahagi ng tinatawag na middle class ay konti lang ang iniangat sa mahihirap.
The President is empowered by the Bayanihan Act to cancel projects that are not too urgent and to use the fund for the more pressing need to give sustenance to the people locked down in their homes and without means to earn. Baka pwedeng tingnan ito.
3. Nandoon din sa report ang babala tungkol sa pagpapakalat ng fake news. Sino ang pangunahing mga pagpapakalat ng mga di-totoong balita? At legally, sa mungkahi ng media, baka pwede namang patulungin ang NBI sa verification ng social amelioration program beneficiaries.
4. Bagama’t hindi kasama sa official at written report to Congress, medyo nakakabahala ang late night na pahayag ng Pangulo na wala na tayong pera. Four trillion pesos mahigit ang budget natin sa 2020. Wala pang 10 percent ng four trillion ang 270 billion pesos na na-identify para lockdown.
5. Bukod sa mass testing at PPEs para sa lahat ng front-liners (kasama na ang mga magsasaka at lahat ng manggagawang nasa food supply chain), hiningi at hinihingi pa rin natin ang isang comprehensive na plano o strategy para malagpasan nating lahat itong pandemya.
Sa ikalawang report, may nasisilip na tayong mga simula ng isang malawakan, matagalan, at mapagkaisang plano tulad ng mga pautang o palugit sa mga pautang sa mga maliliit na negosyante na siyang 90+ percent ng kabuuan ng ating mga negosyo. Buhay at dugo sila ng ating ekonomiya, marami sa kanila ay employers din.
Maiibsan nang malaki ang mga pag-aalala ng marami sa atin kung malinaw sa lahat, lalong-lalo na sa mga may kapangyarihan, na malalagpasan natin itong pandemyang ito kung sama-sama tayong magtutulungan.”