Having happy and healthy Filipino farmers means a happy and healthy Philippines: Kiko
As we observe World Food Day, the local situation is not too promising.
Filipinos have been queueing for affordable NFA rice, while some towns in Mindanao saw the price of rice rise to P70 per kilo. Hunger stalks an estimated 3.1 million Filipino families, who have experienced involuntary hunger at least once in the last three months, according to latest survey.
The average age of farmers in the Philippines is 58 years old. They are mostly males with eight years of education, or studied only until grade 8, yet support a family of five or more. While this profile is not far from those of our neighboring countries in ASEAN, the cost of living, as well as the cost of production and competitiveness, spells the difference in quality of life.
Compared to the rest of its neighbors, the Philippines lags behind in rice production, with only 18 metric tons in 2016 compared to the 27MT of Thailand and 45MT of Vietnam. From this, Thai farmers earn about P32,000 a month, with 3.2 hectares of farmland. Filipino farmers earn some P8,300 a month with only 1.3 hectares of farmland. The Philippines’ poverty line is P9,100.
Worse, this measly income of Filipino farmers is diminished by the high prices of commodities. Filipinos in 2018 faced an inflation of 6.7% in September, the highest in nine years and 4.9% higher than 2016’s average of 1.8%, showing almost no improvement in quality of life.
Given these, we must take up the mission of improving and safeguarding our nation’s food basket and stabilizing prices and supply, while empowering those at the forefront of agriculture — farmers, farm workers, fisher folks, and those engaged in trade — with the means to improve their lives. We must also channel resources to policies and programs that directly benefit our undernourished children.
Together, we have to demonstrate our resolve to liberate Filipinos from malnutrition and hunger, and give all of us the means to lead productive lives, and contribute to a progressive Philippines.
Remember: If we are to secure our food, we must secure our farmers. Because having happy and healthy Filipino farmers means a happy and healthy Philippines.
Habang ginugunita natin ang World Food Day, hindi kaaya-aya ang ating lokal na sitwasyon.
Pumipila ang mga Pilipino para sa abot-kayang bigas ng NFA, habang sa ibang bayan sa Mindanao umabot ang presyo ng bigas sa P70 kada kilo. Tinatamaan ng gutom ang tinatayang 3.1 na milyong pamilyang Pilipino, na nakakaranas ng involuntary hunger na di bababa sa isang beses sa loob ng tatlong buwan, ayon sa pinakahuling survey.
Ang karaniwang edad ng mga magsasaka sa Pilipinas ay 58 taong gulang. Karamihan sa kanila ay lalaki na may walong taong edukasyon o nakapag-aral lamang hanggang Grade 8, ngunit nagtataguyod ng isang pamilyang may limang mag-anak o higit pa. Habang ang ganitong profile ay di nalalayo sa sa mga karatig-bansa natin sa ASEAN, sa cost of living, pati na rin ang cost of production at competitiveness, makikita ang kaibahan sa kalidad ng pamumuhay.
Kumpara sa mga karatig-bansa, napapag-iwanan ang Pilipinas pagdating sa produksyon ng bigas, na may 18 metrikong tonelada lamang noong 2016 kumpara sa 27 MT ng Thailand at 45MT ng Vietnam. Mula rito, kumikita ang mga magsasakang Thai ng P32,000 sa isang buwan sa 3.2 ektaryang lupang sakahan. Ang poverty line ng Pilipinas ay P9,100.
Malala pa, itong kakarampot na kita ng mga Pilipinong magsasaka ay kinakain pa ng mataas na presyo ng mga bilihin. Noong September 2018, hinarap ng mga Pilipino ang 6.7% na inflation, ang pinakamataas sa loob ng siyam na taon at mas mataas ng 4.9% kumpara sa average noong 2016 na 1.8% — halos walang pag-unlad sa kalidad ng buhay.
Dahil sa mga ito, dapat nating isagawa ang misyong pabutihin at pangalagaan ang food basket ng bansa at gawing stable ang presyo at suplay, habang binibigyang lakas ang mga nasa harap ng agrikultura — mga magsasaka, manggagawa sa sakahan, mangingisda, at mga nangangalakal — na may paraan para mapaunlad ang kanilang buhay. Dapat nating gamitin ang ating resources sa mga polisiya at programa na direktang pinakikinabangan ng mga kabataang hindi malusog.
Remember: If we are to secure our food, we must secure our farmers. Because having happy and healthy Filipino farmers means a happy and healthy Philippines.
Dapat sama-sama nating ipamalas ang ating paninindigan upang mapalaya ang mga Pilipino sa kagutuman at kakulangan sa nutrisyon, at bigyan tayong lahat ng paraan para magkaroon ng produktibong pamumuhay, at maka-ambag sa isang progresibong Pilipinas.
Tandaan: Kung gusto nating siguruhin ang ating pagkain, dapat siguruhin ang ating mga magsasaka. Dahil kapag masasaya at malulusog ang magsasakang Pilipino, masaya at malusog ang Pilipinas.