STATEMENT OF PARTIDO LIBERAL PRESIDENT SEN FRANCIS PANGILINAN ON RAPPLER

January 15, 2018

Today, one of the most prominent voices for truth-telling and journalistic integrity — the news portal Rappler — has been stripped of its SEC registration, effectively revoking their license to operate in the country.

This, and other recent developments, have only made it more evident how important it is for people to have a way to come together. In a time of fear, of relentless attacks on our institutions, the abuse of power, and the feeling of helplessness that this breeds — we seek solidarity.

We’ve realized this over the past few months, as the Liberal Party embraced inclusiveness as an imperative — opening up recruitment to students, the academe, and other basic sectors, beyond the usual membership from the political sector.

We remain committed to this effort. Our recruitment portal is now online at http://partidoliberal.ph; if you wish to stand with us; if you think that defending our freedoms requires a real, organized, strategic effort, one that values every individual’s contribution, then we invite you to join us.

Our party leaders are likewise determined to speak out; over the next few days, you will hear more from us, and we ask that you spread the message: We stand with Rappler and all other truth-tellers. We stand for freedom — the very essence of liberalism. We offer a platform where we can come together and determine what we can do to rise to the challenges to our freedoms and our constitutional democracy. We are here.

Ngayong araw, isa sa pinakamalakas na boses sa pagsisiwalat ng katotohanan at may integridad sa pamamahayag — ang news portal na Rappler — ang inalisan ng SEC registration, na katumbas na rin ng pagpapawalang-bisa ng kanilang lisensiya para mag-operate sa bansa.

Ito, at iba pang mga nakalipas na pangyayari, ang nagpatunay kung gaano kahalaga para sa taumbayan na maghanap ng paraan para magsama-sama. Sa panahon ng takot, ng walang tigil na atake sa ating mga institusyon, pag-abuso sa kapangyarihan at ang kawalan ng anumang tulong na bunga nito — naghahanap tayo ng pagkakaisa.

Napagtanto natin ito sa nakalipas na buwan, kasabay ng kaatasan ng Partido Liberal na maging para sa lahat — sa pagbubukas ng recruitment sa mga estudyante, at iba pang pangunahing sektor, na malayo sa madalas na pagkilos para makakalap ng miyembro mula sa sektor ng pulitika.

Matibay ang aming paniniwala sa pagkilos na ito. Bukas na ang aming online recruitment portal na http://partidoliberal.ph; kung nais niyong tumayo kasama kami; kung sa tingin niyo na kailangan ng iisa at sama-samang pagkilos upang maipagtanggol ang ating kalayaan nang binibigyan ng halaga ang kontribusyon ng bawat isa, iniimbitahan namin kayo na sumali sa amin.

Determinado ang mga pinuno ng partido na magsalita. Sa mga susunod na araw, maririnig niyo kaming nagpapahayag ng saloobin. Hiling namin sa inyo na ipakalat ang mensaheng ito. Naninindigan tayo kasama ang Rappler at iba pang nagsasabi ng katotohanan. Naninindigan tayo para sa kalayaan na siyang diwa ng liberalismo. Alok namin ang isang paraan kung saan tayo maaaring magsama-sama at alamin ang mga hakbang kung paano natin malalampasan ang mga hamon sa ating kalayaan at demokrasya. Naririto kami.

#holdtheline #defendpressfreedom #standwithrappler