Statement of Sen. Francis Pangilinan on Day Paris Climate Agreement Comes Into Force

November 4, 2016

November signals the start of a substantial global action to address the climate crisis. Today, November 4, last year’s Paris climate agreement will enter into force ahead of next week’s COP 22 (22nd Conference of Parties) discussions in Morocco. We welcome this initiative by world leaders both in politics and science, and hope that the Philippines will ratify this landmark climate deal.

fnp-ejk

Located along a typhoon belt and the Pacific Ring of Fire, our country is a disaster hotspot that hosts super typhoons, volcanic eruptions, and earthquakes. And who are most vulnerable to the devastating effects of these disasters? Filipinos in rural areas who rely on agriculture and fisheries for their food and livelihood.

Too much rain leaves farmlands flooded, as too much heat renders fields unfit for planting. On the other hand, climate-related conditions, such as warmer sea surface, ocean acidification, and rising sea levels, have killed and are killing marine species.

Climate change threatens our ability to produce food as well as the income of our food producers, already the poorest in our society. Given these, world action must complement with local initiatives. On our end, we have filed several measures to increase their income in general and to counteract the devastating effects of disasters in particular. One of them is the Expanded Crop Insurance Act of 2016.

Our agriculture sector incurs almost P10 billion damages due to climate change. Through the Expanded Crop Insurance, our farmers will have a safety net whenever natural disasters render their crops useless. Right now, only 3% of damaged crops are insured, leaving most farmers in debt. We aim to ease their burden a little by ensuring enhanced credit rating plus government support in agricultural production.

Climate change is a global concern because it affects everyone. It is also local because it impacts on the food we eat. Those who grow or catch our food must be able to build back faster and better.

PAHAYAG NI SENADOR FRANCIS PANGILINAN SA ARAW NA MAIPATUPAD ANG PARIS CLIMATE AGREEMENT

Hudyat ang buwan ng Nobyembre ng pagsisimula ng pandaigdigang pagkilos upang pagtuunan ng pansin ang krisis na bunga ng climate change. Ngayong araw na ito, magkakaroon na ng bisa ang napagkasunduan noong nakaraang taon sa Paris. Sa susunod na linggo naman gaganapin ang COP 22 (22nd Conference of Parties) sa Morocco. Malalaking hakbang ito ng ating mga world leaders sa politika at siyensiya, at umaasa kami na lalagdaan ng Pilipinas ang nasabing kasunduan.

Daanan tayo ng mga bagyo, at dahil nasa Pacific Ring of Fire, tayo ay madalas ding magkaroon ng pagsabog ng mga bulkan at mga paglindol. At sino ang mga pinaka-nasasaktan sa mga ganitong sakuna? Mga Pilipinong nasa kanayunan na umaasa sa pagtatanim at pangingisda para sa kanilang pagkain at kabuhayan.

Sobrang ulan at babahain ang mga taniman, sobrang init naman at hindi ito matatamnan. Sa kabilang banda, dahil sa mas mainit na tubig-dagat, ocean acidification, at pagtaas ng sea levels, namamatay ang maraming yamang-dagat.

Nilalagay ng climate change sa alanganin ang ating kakayahang mag-supply ng pagkain, maging ang kita ng mga nag-su-supply ng pagkain, na siyang pinakamahihirap sa ating lipunan. Dahil dito, kailangang tugma ang mga kilos sa international at sa lokal. Sa ganang atin, mayroon tayong mga panukalang-batas para itaas ang kita nila at labanan ang mga epekto ng mga sakunang ito. Isa na rito ay ang mas pinalawak na crop insurance.

Umaabot sa P10 bilyon ang pinsala sa agrikultura dahil sa climate change. Ang Expanded Crop Insurance ang magsisigurong mayroong sasalo sa ating mga magsasaka tuwing masisira ang kanilang mga pananim. Sa kasalukuyan, 3% lamang ng mga nasirang pananim ang insured. Dahil dito, marami sa ating mga magsasaka ang lubog sa utang. Gusto nating mabawasan ang kanilang paghihirap sa pamamagitan ng pagkakaloob ng maayos na pautang, at sapat na suporta mula sa gobyerno para sa pagbuti ng kanilang produksyon.

Pandaigdigang problema ang climate change dahil lahat ay apektado. Panglokal din ito dahil apektado ang ating mga pagkain. Kailangang marunong nang tumayo nang mas mabilis at mas mabuti ang mga nagtatanim o humuhuli ng ating kakainin.