Statement of Sen. Francis Pangilinan on the Supreme Court Decision on the Marcos Burial

November 8, 2016

This is a horrible day for democracy.

Thanks to the Supreme Court, the Philippines will be a laughing stock of the world. We kicked out a reviled dictator and now we are honoring him by burying him in our national heroes cemetery. No less than our Supreme Court wants our citizens, our children to honor a plunderer and tyrant. This is shameful and deplorable.

fnp

Now the Supreme Court wants Mr. Marcos, who it previously called a “dictator…who caused twenty years of political, economic and social havoc in the country”, buried alongside our heroes.

Rather than effect closure as the final arbiter of all disputes, the Supreme Court has reopened old wounds. If the Supreme Court thinks it has the final say on the matter, then they are terribly mistaken. Burying Marcos in the Libingan has created a huge divide that will haunt the nation for days and years to come.

The law creating the Libingan ng mga Bayani, Republic Act 289, reserved its sacred grounds for heroes to be emulated by “this generation and of generations still unborn”.

Marcos is not a hero. His burial at the Libingan ng mga Bayani desecrates our democracy and the memory of those who fought for freedom and justice in our country.

Payahag ni Sen. Francis Pangilinan sa Desisyon ng Korte Supreme ukol sa Paglibig kay Marcos

Kahindikhindik ang araw na ito para sa demokrasya.

Dahil sa Korte Suprema, ang Pilipinas ay katatawanan sa mata ng buong mundo. Pinatalsik natin ang kinamumuhian na diktador at ngayon pinararangalan naman natin siya sa pamamagitan ng paglibing niya kasama ang ating mga pambansang bayani. Ang Korte Suprema mismo ang nagnanais na parangalan ng ating mga kababayan, ng ating mga anak ang isang mandarambong at diktador. Nakakahiya ito at nakakalungkot.

Ngayon, nais ng katas-taasang hukuman na si Ginoong Marcos, na dati nitong tinawag na isang ‘diktador… na siyang gumawa ng dalawampung taon ng kaguluhan sa pulitika, ekonomiya, at lipunan ng ating bansa”, ay mailibing kasama ng ating mga bayani.

Sa halip na lumikha ng epektibong resolusyon bilang huling tagahatol ng lahat ng mga alitan, binuksan muli ng Korte Suprema ang mga lumang sugat.

Kung sa tingin ng Korte Suprema na ito at magsasara sa usapin ito, nagkakamali sila. Ang paglibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani ay lilikha ng matinding pagkakahati na gagambala sa ating bayan sa mga darating na araw at taon.

Ayon sa batas na gumawa ng Libingan ng mga Bayani, sagrado ito at para lang sa mga bayani na dapat tularan ng lahat ng henerasyon.

Hindi bayani si Marcos. Ang paglagak ng kanyang mga labi sa Libingan ng mga Bayani ay pambabastos sa nating demokrasya at sa alaala ng mga lumaban para sa kalayaan at katarungan ng ating bayan.