Thank you very much Mr. President.
Gusto ko lang pong malaman kung papayag ba po ang ating kasamahan na si Senator Pacquiao na sumagot ng ilang mga katanungan mula sa inyong lingkod.
Salamat po. Mr. President, gusto lang po nating malaman kung pamilyar ba ang ating kaibigan na si Senator Manny doon sa naging kasasayan ng pag-abolish at pag-reimpose ng death penalty mula noong 1987 noong ito ay inabolish sa ating saligang batas.
Cocorrect ko lang. Hindi ho nahinto. Nagkaroon ng moratorium noong panahon ni Estrada, subalit tuloy tuloy yan. 1987 naabolish yan sa ating saligang batas. 1993 ni-reimpose and death penalty sa panahon ni President Ramos. Tapos noong 1993 hanggang 2006, meron po tayong death penalty. Ito po ang panahon ni President Ramos at panahon din po ni President Estrada. In fact, noong 1999, nagkaroon po ng pitong executions sa panahon po ni Presidente Estrada. In other words, sa loob po ng labing tatlong taon, meron po tayong death penalty. At in fact, pitong kababayan natin ang na-death penalty. Kaya ko sinasabi ito ay may dahilan kung bakit nais po nilang ibalik ang death penalty, ngunit meron ding dahilan kung bakit natin tinaggal ang death penalty. Hindi naman ho tayo magpapasya at tayo po ay nagpasya na tanggalin ang death penalty noong 2006. Ako po ang Chairman ng Senate Committee on Jutice annd Human Rights. Si former Senate President Frank Drilon ang ating Senate President. Nagkaroon yan na masusing pag-aaral. Binusisi ho iyan ng husto. At naging pasya ng ating Kongreso na iabolish ito noong 2006.
Isa sa mga dahilan kung bakit po ito inabolish, una yung usapin ng deterrent. Base sa mga datos na isinumete sa ating komite, napatunayan sa ilang mga datos na binigay ng Commission on Human Rights, na hindi po deterrent ang death penalty. Noong 1998 hanggang 1999, pitong executions ang ginawa po sa ilalaim ng ating Pangulong Estrada. Subalit sa loob po ng isang taon, from 1998 to 1999, matapos po yung pitong execution, tumaas po ang crime rate ng halos 15.3%. Dahil po rito, at ito po ang mga datos na isinumite sa komite noong tinatalakay po natin ang abolition ng death penalty. Isa ho iyang dahilan kung bakit natin inabolish ang death penalty. Dahil kahit na po matindi ang parusa, hindi ito nangangahulugan ng bababa ang krimen. Meron hong datos noon.
Ang tanong ko po ngayon, at ito po ang ating katanungan, mula ho noong 2006 hanggang sa ngayong 2016, meron ho ba tayong datos na magpapatunay na dahil wala ho ang death penalty, tumaas ho ang krimen.
Hindi ho natin sinabi iyon.
Inabolish ho ng 1987 constitution ang death penalty, except, sabi nila, if it is to be reimposed should Congress deem it necessary by way of law. But inabolish po. Wala pong death penalty mula po 1987 hannggang 1993 kasi tinaggal ho yan.
Siguro po hindi naunawaan ng ating kaibigan na ang ibig sabihan ho ng abolition ay hindi tinatanggal sa saligang bansa. Ang sinasabi po ay tinitigil, tinatanggal ang pagpataw ng death penalty. Iba po ang ibig sabihin. Baka po ang naintidihan niya ay kapag inabolish ang death penalty ay wala na sa saligang batas. Hindi po iyon ang ibig sabihin noon.
So yun lang po ang ating tinatanong.
Mula po noong 2006 nung inabolish po ang death penalty o nang ito po ay tinanggal mula sa ating criminal law statutes hanggang ngayong 2016, merong po bang datos na magpapatunay/magpapakita na dahil po nawala ang death penalty, may direktang relasyon ito sa pag taas ng krimen. Dahil meron ho noong maliwanag na datos na kahit nagkaroon ng pitong execution sa loob po ng 1999, matapos ang isang taon, tummas pa nga ang kriminalidad. Patunay na kahit tayo ay mayroong death penalty, hindi ibig sabihin bababa ang krimen. Ngayon po, dahil wala hong death penalty, ano po ang patunay na tumaas ang krimen? Yun ho lamang ang ating katanungan.
Marahil siguro ito ay maari nating talakayin doon sa ating komite dahil iyan ang magiging basehan.
Ang isa pa hong punto, at nais ko rin hong maliwanagan, meron hong datos na nabanggit ang dating majority leader noong isang session po natin, na ang drug cases, 74% drug cases end up in dismissal. So ang tanong ko dun, baka naman kung baliktad yung datos, at 80% ng mga kasong drug cases ay nauwi sa conviction, not necessarily death penalty, pwedeng life imprisonment, hindi ho kaya iyon ang maging dahilan kung bakit bumamba ang drug menace sa ating bansa? Dahil sa bawat sampung kaso na isinasampa ng mga pulis, ng prosekusyon, eh walo nagiging conviction. Of course, this is to say, at nabanggit na rin naman po kanina, na mas mainam na kasama po siguro diyan ang pagreporma ng ating penitentiary. Dahil baka naman matuwa pa sila na maconvict sila, eh meron po silang mga jacuzzi sa kanilang mga preso. Ang punto lang doon ay ganito, hindi kaya, sa halip na increase in penalty- ibig sabihin death penalty at hindi na life imprisonment, hindi kaya basta maincrease natin ang conviction- up to 90, 95% conviction rate, ay baka naman talaga yun ang magiging solusyon para mabawasan ang kriminalidad at mabawasan ang drug menace.
Salamat po. Ang huling punto na lang po ay dahil talaga pong hinahanganaan natin ang ating kaibigan at kasamahan po dito na si Senator Manny na siya po ay talagang galing sa mahirap at alam niya po ang nararanasan ng mga mahihirap at isa na namang dahilang kung bakit tinanggal ang death penalty noong 2006 ay dahil base na naman sa datos ay karamihan po, halos 90 porsyento noong nasa death row ay puro mahihirap. Patunay na kung ibalik ang ating kinakatakutan, kung ito’y ibalik muli, ang death penalty ay baka ang nasa death row na naman dahil nga kinakailangan nating ireporma nang husto ang ating criminal justice system ay puro mahihirap na naman. Na maaring na-frame up na maaring talagang siya’y fall guy ika nga. Walang sapat na legal assistance na dapat sana ay homicide yung kaso subalit dahil wala ngang tamang abiso ng abugado ay nauwi sa murder kaya ho halos 90 porsyento po ng nasa death row ay puro galing sa mahihirap. Eh pagka ganoon ho ang sitwasyon eh tayo ho ba ay anti-crime o anti-poor. Iyan ho ang ating concern.
Well, naiintindihan ko ho iyan, kaya nga 80 porsyento nung mga drug cases ay nadi-dismiss. Eh kung mayroon po tayong death penalty, eh kung hindi naman natin rerepormahin ang sistema ng katarungan ay madidismiss pa rin ang 80 porsyento ng drug cases. So ako po, kinakailangan po natin talagang tutukan din at palagay ko mahalaga na mareporma ang sistema ng ating katarungan.
Nais ko pong batiin ang ating kaibigan sa kanyang kauna-unahang privilege speech at nagpapasalamat ako sa pagkakataong binigay po niyang matanong siya ng ilang katanungan.
Yes, Mr. President before I forget, bago ko po makalimutan. Just a manifestation. Earlier, perhaps out of levity para siguro mawala ang konting kaba. Medyo may agam-agam ako dahil nagtatawanan po tayo sa gallery tungkol sa pagbitay. Sa akin po ay hindi biro ang buhay ng ating mga kababayan. Sana po maging mas sensitibo tayo sa usapin po ng pagkitil ng buhay ng kapwa. Siguro nga po ay dala ito ng nerbyos, nagtawanan po tayo pero sana po iwasan po natin na maging katatawanan o binibiru-biro po ang usapin po ng kamatayan ng ating kapwa.